Ngayon
nalang ako ulit nakaramdam ng ganitong saya. Napatunayan ko na kasi sa sarili
ko na hindi ko na kailangan na idepende ko yung kasiyahan ko sa ibang tao.
Nahanap ko na yung kaligayahan sa sarili ko (not
self-service or self-penetration, you dirty-minded a-hole). Ang sarap pala.
Hindi ko na kailangang i-asa pa sa kanila yung pagiging masaya. Natutunan ko
narin na makibagay sa mas nakakarami.
Alam ko sa sarili ko na kahit hindi ako
ganun ka-sociable, I’m still trying to “participate”
more. Hindi na katulad ng dati na punong puno ng insecurities, medyo unti-unti
ng nababawasan lalo na’t ngayong nakikilala ko na Sya ng lubos.
Thankful
ako na kahit konti lang yung mga kaibigan ko, wala pa ata sa isang dosena (which whom I consider na kaibigan talaga),
pero nakakasiguro naman ako na kahit kalian hindi nila ako iiwanan. Medyo
nararamdam ko na ngayon na unti-unti na akong nabubuo. Konti nalang siguro yung
kailangan kong hanapin pa. At ngayon, welcome na ako sa mga bagong
possibilities sa buhay. I will treasure every day. I’ll write everything and
keep it in a jar, every single moment, masaya o malungkot, kahit ano pa yan.
And yeah, unlike others, hindi ko naman
kailangan ng maraming tao na naka-surround sakin. Kuntento na ako sa iilan
lang. Naappreciate ko naman lahat ng mga bagay na binibigay at ginagawa sa akin
ng ibang tao, minsan lang talaga hindi ko kayang i-reciprocate o kaya naman,
hindi ko kayang i-verbalize yung pagiging thankful. So kung sa tingin mo,
na-take for granted na kita, hell no, sorry, pero hindi lang talaga ako ganun
ka-expressive.
Mas
natuto narin ako ngayon mag bigay ng tiwala sa tao. Hindi na katulad nung dati
na I-wont-tell-a-single-thing-about-myself na drama. Sa ngayon, nadagdagan na
yung taong pinag kakatiwalaan ko ng mga nararamdaman ko. Hindi na katulad nung
dati na yung best friend ko o kaya naman yung journal ko lang yung
ipagbubuhusan ko ng sama ng loob. Alam nyo na yun kung sino kayo, salamat ng
sobra.
Ang
dami ko pang kailangang tapusin ngayong gabi, pero alam ko na mas importante na
pasalamatan kayo at mag share ng kasiyahan kahit ngayong gabi lang.