Tuesday, January 1, 2013

Bliss

December 30, anung special sa araw na 'to? Bukod sa birthday ng isang malapit na kaibigan, ito rin yung araw na lagi kaming nagkikita nung mga High School friends ko. Masaya ako kahit papaano ay nagkikita parin kami, kahit isang beses lang sa isang taon.

Halata parin na walang pinag bago yung samahan namin. Matibay parin, walang kayang bumuwag. Halos wala rin pinagbago ang bawat isa. Ang usapang alas-sais, syempre alas-otso na nagsimula, Filipino na Filipino talaga. Medyo naiba lang ngayon, di kasi namin nagawa yung traditional na panunuod ng fireworks display. Bagkus, nauwi sa kainan at inuman. Masaya, pero medyo nabitin ako dahil kailangan ko silang iwan ng mas maaga. Kung di lang ako nag hahabol ng oras para sa ibang bagay eh. Nalungkot ako, dahil minsan na nga lang kami magkasama ng ganun pero nauna pa ako na nawala sa kanila.

Gusto ko nga pala na makilala n'yo rin sila. Kaya eto, pag pasensyahan nyo na yung medyo bias na description, kaibigan eh.

1. Si Patrick, babae po yan. Medyo nung una di ko akalain na babae nga yan! Di ko rin inakala na magiging kaibigan ko 'to dahil medyo masungit nung High School 'to eh, eh masungit din ako kaya ayun siguro, nag click.

2. Si Meryl, medyo sweet kung minsan, mapera, masarap manlibre, maganda pa. Haha. Kahit same school kami ngayong college, di ko rin naman sya madalas makita kasi sobrang busy namin pareho sa school.

3. Si Jolo, gwapo daw sabi nya. Medyo kasundo ko 'to dati, pero medyo ngayon hindi na. Ewan, ganun talaga. Sya madalas pag kaisahan sa asaran. Medyo baliw, maraming hangin sa katawan kaya mataba.

4. Si Kevin, pinaka tahimik (oo, may mas tahimik pa sa akin sa grupo) kapag nasa katinuan, pero pinaka maingay kapag lasing. Artistic na bata, autistic din kung minsan. Masaya kasama, palabiro.

5. Si Jayr, ito yung pinaka-close ko sa lahat. Maasahan, laging andyan kapag may kailangan ako. Tagasalo ng problema ko. Eto yung tao na kahit di ko kausapin, naiitindihan yung nasa isip ko. Isang tingin, alam na agad lahat.