Monday, April 29, 2013

Words I'm dying to say

Kahit kailan hindi ka magiging masaya kapag di mo tinanggap sarili mo. Mag let go na sa lahat ng insecurities at gumawa ng paraan kung paano mo mapapabuti yun.

Hindi mo maiintindihan talaga bro, napaka unreceptive mo eh. Puro ikaw. Mahilig ka sa selfie. I mean, sarili mo lang kasi pinakikinggan mo. Bakit nga ba ako nag sasayang ng panahon sa'yo alam ko naman na di ka makikinig.

Ang problema kasi, hinayaan mo'ng tuluyan kang magbago alinsunod sa gusto nila. Tinanung mo ba sarili mo kung gusto mo parin yung ginagawa mo? Hindi, kasi masyado kang nagpauto sa sistema. Ewan ko ba, matalino ka naman.

Nice to hear that, props to you bro. Making me proud to see you finally becoming a man. Sabi ko sayo eh, kaya mo naman, di ka palang handa nung nakaraan. Naks! Red horse bro, pag nagkita.

Hindi naman ako madaya, madiskarte lang.

Ang problema kasi, di na siya yun eh, di mo naman siya kailangan baguhin. Boy friend ka lang, di ka si Lord. Wag mo ipilit kung ayaw, intindihin mo nalang.

"I love you." Ay, sorry. Wrong sent.

Di naman sa ayoko ng makipag kaibigan sa'yo, ayoko lang makasakit pa. It may sound ironic, pero ganun talaga. I don't want to hurt you, ganun lang ka-simple.

Ako, user? Eh ano pa bang wala sa akin? At hello, bukod sa bulok mo'ng ugali, ano pa magagamit ko sayo? Isip naman please, ay wala ka pala nun.

Don't just grow old. Grow up, kid.

Okay lang, sanay naman ako na ngangamusta ka kapag bored ka na, o kaya naman di ka nirereplyan ng boy friend mo. Okay lang talaga.

Di naman ako tahimik, napaka pointless lang talaga para sa akin ng mga sinasabi mo. Walang thrill, walang excitement. Sayang neurons ko kapag inentertain kita, saka di ko rin ugali yung mag pakitang tao. Di ako tahimik, di lang talaga ako interesado sayo.


Thursday, April 18, 2013

I had my first


Pagkatapos ng apat na taon ng saya, hirap, lungkot, puyat, pagod, iyak at iba’t-ibang emosyon na naramdaman ko sa kolehiyo, finally, masasabi ko narin na nakaya ko kahit madaming gustong humadlang sa pangarap ko. Andyan yung mga guro na pilit kang susubukan hanggang malabas yung kaya mo. Andyan din yung mga kaklase na handang siraan ka para lang masabi na mas magaling sila. Pero higit sa lahat, andyan din yung mga totoong kaibigan na handang mag back-up kapag nakakaramdam ka na ng inis o pagod sa mga nangyayari sa iyo.
Sa totoo lang, iilan lang silang maituturing ko na naging totoo sa akin. Marahil, karamihan sa mga taong gustong mapalapit sa akin ay ako rin ang gumawa ng paraan para mapalayo sila dahil nung una palang ay alam ko ng iba ang intensyon nila sa pakikipag kaibigan sa akin. Hindi naman sa pagiging judgmental, pero malakas yung pakiramdam ko sa mga ganyang bagay, at isa pa, sobrang hirap ako mag tiwala sa isang tao at kadalasan din, iniiwasan kong ma-attach dahil alam ko na in some point, mawawala din sila.
Pero masaya ako na nakilala ako ng ilang tao na masasabi ko na naging parte ng pag hubog kung sino ako ngayon. Mga taong talaga namang tumatak sa puso ko. Andyan yung mga nakasama at nakilala ko sa ibang orgs, mula sa Science Club, Psych Soc, Tatsulok at Mendiola Consortium, ang dami kong naging kaibigan. Dami ko rin natuklasan sa sarili ko dahil sa kanila, yun bang akala mong hindi mo kaya pero dahil sa pag push nila, ayun nagawa mo.
Mamiss ko si Benedict, Ian at Love, yung tatlong Presidente ng Mendiola. Sayang at nung isang taon ko lang sila nakilala. Sobrang hindi ko rin makakalimutan si Matthew na naging parang best friend ko ngayong college, sa lahat kasi, sa kanya ko lang nasabi yung isang sikreto na kahit kay John Rey hindi ko masabi-sabi. Hay, mamiss ko silang apat.
Sa pag graduate ko, naalala ko rin na apat na taon narin pala nung may tumawag sa akin na best friend, di ko alam kung karapat dapat ba akong tawagin na ganun kaya naman sobrang saya ko talaga na nakilala ko siya. Kaya ngayon, hindi lang kaibigan turing ko sa kanya kundi kapatid pa.
Yung mga nakasama ko din nung 16, di ko inaakala na darating ako sa point na ganun. Yung point na nawala ka ng respeto sa sarili mo. Pero masaya naman ang kinalabasan. Alam kong di na mauulit yun, at ayoko ng maulit pa talaga. Good night.

Tuesday, January 1, 2013

Bliss

December 30, anung special sa araw na 'to? Bukod sa birthday ng isang malapit na kaibigan, ito rin yung araw na lagi kaming nagkikita nung mga High School friends ko. Masaya ako kahit papaano ay nagkikita parin kami, kahit isang beses lang sa isang taon.

Halata parin na walang pinag bago yung samahan namin. Matibay parin, walang kayang bumuwag. Halos wala rin pinagbago ang bawat isa. Ang usapang alas-sais, syempre alas-otso na nagsimula, Filipino na Filipino talaga. Medyo naiba lang ngayon, di kasi namin nagawa yung traditional na panunuod ng fireworks display. Bagkus, nauwi sa kainan at inuman. Masaya, pero medyo nabitin ako dahil kailangan ko silang iwan ng mas maaga. Kung di lang ako nag hahabol ng oras para sa ibang bagay eh. Nalungkot ako, dahil minsan na nga lang kami magkasama ng ganun pero nauna pa ako na nawala sa kanila.

Gusto ko nga pala na makilala n'yo rin sila. Kaya eto, pag pasensyahan nyo na yung medyo bias na description, kaibigan eh.

1. Si Patrick, babae po yan. Medyo nung una di ko akalain na babae nga yan! Di ko rin inakala na magiging kaibigan ko 'to dahil medyo masungit nung High School 'to eh, eh masungit din ako kaya ayun siguro, nag click.

2. Si Meryl, medyo sweet kung minsan, mapera, masarap manlibre, maganda pa. Haha. Kahit same school kami ngayong college, di ko rin naman sya madalas makita kasi sobrang busy namin pareho sa school.

3. Si Jolo, gwapo daw sabi nya. Medyo kasundo ko 'to dati, pero medyo ngayon hindi na. Ewan, ganun talaga. Sya madalas pag kaisahan sa asaran. Medyo baliw, maraming hangin sa katawan kaya mataba.

4. Si Kevin, pinaka tahimik (oo, may mas tahimik pa sa akin sa grupo) kapag nasa katinuan, pero pinaka maingay kapag lasing. Artistic na bata, autistic din kung minsan. Masaya kasama, palabiro.

5. Si Jayr, ito yung pinaka-close ko sa lahat. Maasahan, laging andyan kapag may kailangan ako. Tagasalo ng problema ko. Eto yung tao na kahit di ko kausapin, naiitindihan yung nasa isip ko. Isang tingin, alam na agad lahat.

Tuesday, October 9, 2012

Nasaan si Happiness?


Ngayon nalang ako ulit nakaramdam ng ganitong saya. Napatunayan ko na kasi sa sarili ko na hindi ko na kailangan na idepende ko yung kasiyahan ko sa ibang tao. Nahanap ko na yung kaligayahan sa sarili ko (not self-service or self-penetration, you dirty-minded a-hole). Ang sarap pala. Hindi ko na kailangang i-asa pa sa kanila yung pagiging masaya. Natutunan ko narin na makibagay sa mas nakakarami. 

Alam ko sa sarili ko na kahit hindi ako ganun ka-sociable, I’m still trying to “participate” more. Hindi na katulad ng dati na punong puno ng insecurities, medyo unti-unti ng nababawasan lalo na’t ngayong nakikilala ko na Sya ng lubos.

Thankful ako na kahit konti lang yung mga kaibigan ko, wala pa ata sa isang dosena (which whom I consider na kaibigan talaga), pero nakakasiguro naman ako na kahit kalian hindi nila ako iiwanan. Medyo nararamdam ko na ngayon na unti-unti na akong nabubuo. Konti nalang siguro yung kailangan kong hanapin pa. At ngayon, welcome na ako sa mga bagong possibilities sa buhay. I will treasure every day. I’ll write everything and keep it in a jar, every single moment, masaya o malungkot, kahit ano pa yan.

 And yeah, unlike others, hindi ko naman kailangan ng maraming tao na naka-surround sakin. Kuntento na ako sa iilan lang. Naappreciate ko naman lahat ng mga bagay na binibigay at ginagawa sa akin ng ibang tao, minsan lang talaga hindi ko kayang i-reciprocate o kaya naman, hindi ko kayang i-verbalize yung pagiging thankful. So kung sa tingin mo, na-take for granted na kita, hell no, sorry, pero hindi lang talaga ako ganun ka-expressive.

Mas natuto narin ako ngayon mag bigay ng tiwala sa tao. Hindi na katulad nung dati na I-wont-tell-a-single-thing-about-myself na drama. Sa ngayon, nadagdagan na yung taong pinag kakatiwalaan ko ng mga nararamdaman ko. Hindi na katulad nung dati na yung best friend ko o kaya naman yung journal ko lang yung ipagbubuhusan ko ng sama ng loob. Alam nyo na yun kung sino kayo, salamat ng sobra.

Ang dami ko pang kailangang tapusin ngayong gabi, pero alam ko na mas importante na pasalamatan kayo at mag share ng kasiyahan kahit ngayong gabi lang. 

Tuesday, October 18, 2011

Never Gonna Leave This Bed


Oh hi, natulog kami sa isang kwarto, sa sobrang sikip, hindi ko alam kung saan ako pwepwesto, anim kami sa isang kama, kaya napag pasyahan ko na sa paanan nalang nila ako matutulog since halos puro babae sila. Nakainom na kaming lahat, halata sa kanya na may tama na siya ng alak dahil sobrang ingay nya niya. Unang pag kakataon ko palang siyang nakitang ganun, madalas kasi tahimik at maayos siya kung kumilos. Hindi muna ako agad natulog dahil katext ko pa yung best friend ko, hindi ko namalayan na tulog na pala silang lahat. Hindi ko rin napansin na nakatulog na pala ako sa tiyan niya, maya maya pa ay nagising nalang ako na hinihigit niya ako sa tabi niya. “Umayos ka, dito ka nalang sa taas.” Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko nalang din siyang higitin ako. Sobrang antok talaga ang naramdam ko sa mga sandaling yun. 

Mag uumaga na nung napansin kong siya na pala katabi ko, hindi na muna ako nakatulog ulit. Binantayan ko nalang siya habang natutulog. Sa sobrang sikip, hindi ko nagawang tumayo. Hinayaan ko nalang dahil alam kong mabigat pa ang kanyang pakiramdam. Basta, ang alam ko, hindi ako nanaginip na katabi ko siyang matulog kagabi. Face to face. Nung medyo inantok na’ko nahiga nalang ako malapit sa balikat niya. As in, I have the opportunity to do whatever I want to do with her, buti nalang ay medyo malakas si superego kagabi. “Never Gonna Leave This Bed” na ang theme song ng buhay ko mula ngayon. Lols

Monday, September 12, 2011

Simple Joys


Natulog ako kagabi ng naka uniform pa. Alas otso y medya na kase nung nakauwi ako sa bahay. Ang tagal kasi ng meeting. Dapat dadaan pa ako sa Gateway kasi nag text yung kaibigan ko na nandun daw siya at manunuod ng Harry Potter, di ko na tinanong kung sino yung kasama nya. Wala rin naman akong balak manuod ng HP, gusto ko lang sanang makita sila, tapos uwi din agad. Pero sa sobrang pagod, di ko namalayan na nakalagpas na pala ako sa Araneta Center - Cubao Station.

May balak pa naman ako na tumambay sa Cubao X pag katapos ko silang kitain. Sa kasamaang palad, dumiretso nalang ako ng bahay at hindi na nakapunta sa kanila. Suck it! Pag dating sa bahay, diretso agad sa kama, binitawan ang bag sa sahig at natulog nalang ng hindi man lang nag hihilamos, nag sepilyo, kumain at nag palit ng damit.

Pag gising ko kaninang tanghali, bumungad sa akin yung nanay ko, “Anak, Sabado ngayon ha, may pasok ka pala?” Nagulat ako at biglang naalala na naka sapatos at naka uniform pa pala ako nung gumising. Nag katinginan kami ni Mama at bigla nalang kaming tumawa.

Thursday, August 18, 2011

Instant


Ang pag-ibig parang lotto lang yan, marami sa atin ang gustong makakuha ng jackpot prize, ngunit iilan lang ang nag tyatyagang pumila sa initan upang makakuha ng ticket. Marami sa atin ang nagmamahal, ngunit wala namang ginagawang aksyon upang mahalin din sila. Kasama na siguro sa kulturang Pilipino ang pag taya sa lotto. Marami kasi sa atin ang gustong yumaman ng madalian, yun bang isang araw gigising ka nalang na nakahiga ka na sa pera. Yun bang wala ka ng kailangang gawin sa buong araw kundi isipin kung saan mo gagastusin yung salapi na iyong napanalunan.

Usong uso na ngayon ang mga bagay na “instant”, nasanay na kasi tayo sa mga pagkain o inumin na hindi kailangang pag laanan ng matagal na panahon upang lutuiin o ihanda katulad nalang ng instant noodles, instant ulam at marami pang iba. Sa mga panahong oras ang kalaban, ang mga bagay na instant ang ating pakikinabangan. Ngunit, sa kabila ng convenience na naidudulot nito, karamihan sa atin ay hindi alam ang masamang epekto ng mga bagay o pagkain na instant.

Kung pag-ibig naman ang pag-uusapan, karamihan narin sa ating mga Pinoy ang may gusto ng instant love o instant partner yun bang hindi mo na kailangan ligawan ng matagal, yung isang teks lang, kayo na agad, yung isang tingin mo lang sa kanya ay sasagutin ka na.  Namulat ako sa henerasyong pang madalian, lahat ng bagay minamadali, para bang laging may nag iintay na taksi na tumatakbo ang metro sa kakaintay sa labas ng pintuan kaya’t hindi mapakali at basta basta nalang lalabas ng hindi pa handa o hindi pa alam ang kanyang patutunguhan.   

Unti unti na ring nawawala yung kultura ng mga Pinoy na ligawan. Hindi na uso yung pupunta yung mga kalalakihan sa tahanan ng kanilang sinisinta upang umakyat ng ligaw o mang harana. Sa panahon kasi ngayon, sa kalsada nalang o minsan pa nga’y sa facebook nalang nagaganap ang ligawan at sa youtube nalang nangayayari ang pang haharana gamit ang mga kanta ng kung sinu-sinong iniidolong artista. Kung mahilig kayong manuod ng old pinoy love films, masasaksihan nyo dun kung gaano kakulay at gaano kaganda ang kultura ng panliligaw ng mga pinoy. Sayang naman at sa pelikula nalang masasaksihan ng mga susunod pang henerasyon ang mga tradisyong Pilipino na karapat dapat nating hangaan at muling bigyan ng pansin.

Sa pag aaral man, mahilig narin ang mga estudyante sa bagay na instant. Instant takdang aralin na kinukuha nalang sa kung anu-anong websayt na nag bibigay ng sagot sa mga katanungan ng mga estudyante. Isang pindot lamang sa teklado ay may mga katanungan na agad na masasagot sa kanilang mga takdang aralin. Copy and paste, isa sa mga pinaka gasgas na paraan kung paano gumagawa ng mga takdang aralin ang mga estudyante. Bakit nga ba lotto ang titulo ng artikulo na ito, wala lang, instant title lang.

Modernisasyon at teknolohiya. Yan siguro ang dalawa sa mga pangunahing dahilan sa mga pag babago. Dahil din dyan, marami narin tayong gawain na napadali, ngunit sa kabilang banda marami narin tayong mga bagay ang naisantabi at nasira. Mga bagay na hindi na bigyan ng wastong panahon at pang unawa. Ngunit hindi pa huli ang lahat, habang tayo’y nabubuhay may panahon pa upang mag bago at itama ang ating mga pag kakamali.