Oh hi, natulog kami sa isang kwarto, sa sobrang
sikip, hindi ko alam kung saan ako pwepwesto, anim kami sa isang kama,
kaya napag pasyahan ko na sa paanan nalang nila ako matutulog since
halos puro babae sila. Nakainom na kaming lahat, halata sa kanya na may
tama na siya ng alak dahil sobrang ingay nya niya. Unang pag kakataon
ko palang siyang nakitang ganun, madalas kasi tahimik at maayos siya
kung kumilos. Hindi muna ako agad natulog dahil katext ko pa yung best
friend ko, hindi ko namalayan na tulog na pala silang lahat. Hindi ko
rin napansin na nakatulog na pala ako sa tiyan niya, maya maya pa ay
nagising nalang ako na hinihigit niya ako sa tabi niya. “Umayos ka, dito ka nalang sa taas.” Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko nalang din siyang higitin ako. Sobrang antok talaga ang naramdam ko sa mga sandaling yun.
Mag uumaga na nung napansin kong siya na pala
katabi ko, hindi na muna ako nakatulog ulit. Binantayan ko nalang siya
habang natutulog. Sa sobrang sikip, hindi ko nagawang tumayo. Hinayaan
ko nalang dahil alam kong mabigat pa ang kanyang pakiramdam. Basta, ang
alam ko, hindi ako nanaginip na katabi ko siyang matulog kagabi. Face
to face. Nung medyo inantok na’ko nahiga nalang ako malapit sa balikat
niya. As in, I have the opportunity to do whatever I want to do with
her, buti nalang ay medyo malakas si superego kagabi. “Never Gonna Leave This Bed” na ang theme song ng buhay ko mula ngayon. Lols
No comments:
Post a Comment