Saturday, June 25, 2011

Bungee Fun


“Hi! Tomorrow nalang tayo mag meet, can’t go outside the meeting room. Thanks”. 12 nn na nung nabasa ko yung text na yan gaing sa Adviser ko. Gumising ako ng 9 a.m. para lang ma prepare lahat ng kailgan para sa meeting sana namin ngayong araw. 11:30 pala siya nga text, nasa banyo na ako nun at naliligo. 

Nahihiya na kasi ako umatend ng meeting na laging late kaya inagahan ko, pero ayun na nga, hindi pala tuloy.
Dahil nakabihis na ko, humingi ako ng pera sa nanay ko, sabi ko tuloy parin yung meeting. Imbes na sa Santolan Station ako dumiretso, sa SM Marikina nalang ako tumuloy. Nagpalipas ako ng ilang oras doon. Dumaan narin ako sa National Bookstore para bumili ng ilang gamit na kakailangan ko sa araw ng pasukan. Nagbasa narin ako ng libro sa loob. Halos tumagal ako ng isa’t kalahating oras sa bookstore na yun. Ang sama na nga ng tingin ng guardya sa akin, baka akala nya may kinukuha na ako sa loob ng bookstore dahil sa sobrang tagal ko dun. (Malapit ko ng matapos basahin yung The Secret, thanks to National Bookstore.)

Pupunta sana ako ng Starbucks, pero nung chineck ko yung wallet ko, nakalimutan ko palang dalin yung ATM card ko. Buti nalang hindi ako agad umorder, kung hindi, malamang paglilinisin nila ako dun dahil singkwenta pesos nalang yung natira sa tatlong daan ko dahil madami dami rin yung binili ko sa National Bookstore. Buti nalang talaga at chineck ko yung wallet ko.

Dahil alas tres palang, tumambay muna ako sa loob ng SM para hindi naman mahalata ng nanay ko na hindi talaga ako pumunta ng school. Umupo ako sa may ilalim ng puno (JSYK: May mga plastic na puno sa loob ng SM Marikina), yung malapit sa Bungee Fun. Pinagmasdan ko lang yung mga bata na sumasakay dun sa Bungee Fun. Magkahalong ingit at hiya ang naramdaman ko. Naingit ako  kasi hinahayaan sila ng mga magulang nila na experience yung mga ganung bagay samantalang ako, never pinayagan sa mga ganyan.

Hiya, kasi takot ako sa heights. Nahihiya ako dun sa mga bata kasi, ang lalakas ng loob nila na sumakay sa mga ganun, samantalang ako, ni hindi makayuko sa ibaba kapag sumasakay sa escalator. Naalala ko nung isang beses na sumukay kami sa elevator ng kaibigan ko, eh glass pa naman yung buong elevator, yung makikita mo talaga yung nasa ibaba, wala akong ginawa kundi pumikit hanggang makarating kami dun sa floor na pupuntahan namin. At nung pauwi na kami, niyaya ko nalang yung kaibigan ko na gumamit ng hagdan.

Habang tinatype ko ‘to, saka ko lang naalala na OK lang pala na hindi na tuloy yung meeting namin, kasi mas nakilala ko yung sarili ko sa sandaling panahon na nakaupo ako sa ilalim ng puno. Lahat pala talaga ng bagay may dahilan. Nasa atin na yun kung paano bibigyan ng halaga at pang unawa ang lahat ng nangyayari sa ating buhay.

No comments:

Post a Comment