Naalala ko few days bago mag Midterm exam last semester ay nag karoon kami ng group counseling, at syempre dahil teens kami, ang topic ay tungkol sa love. Nung una nag kahiyaan pa umamin kung sino yung may mga karelasyon that time, pero dahil kami kami lang yun nandun, isa isa narin nag taasan ng kamay kung sino yung may mga BF o GF. At syempre isa ako dun that time.
After a few talk, binigyan kami ng quiz, wala naman daw epekto yung score ng quiz na yun sa magiging grade namin, pero dahil grade conscious ako, medyo sineryoso ko yung quiz. Simple lang naman yung mga tanong, true or false lang. Yung mga tipong totoo ba yung love at first sight, masasabi mo bang mahal mo na agad yung tao kahit di pa kayo nag kikita, basta yung mga ganung tanong.
Nung time na para i-check yung quiz, tinanong nung counselor kung ilan daw yung sagot namin na false, karamihan sa classmates ko 12-13 lang yung mga sagot nilang false, nagulat ako kasi isa lang yung sagot ko na true.
After that the counselor explained every question, natawa lang ako kasi halos lahat sa mga classmates ko naniniwala sa love at first sight, tang ina lang. Konti lang yata kaming di naniniwala dun.
“There’s no such thing as love at first sight, lust at first sight lang ang nag eexist.” Kumbaga sa hindi mo pa mahal yung tao, na attract ka lang kasi maganda sya o gwapo o kaya naman, nakita mo lang sa kanya yung mga bagay na gusto, pero di mo pa sya agad mahal. Napaka lame lang ng mga tao na naniniwala dun.
That group counseling was intended to know the depth of our thinking when it comes to love at kung pano namin i hahandle yung mga situation tungkol sa pag ibig. Before the group session ended, sinabi nung counselor na 18/20 yung mga sagot na false. I got the highest score, sumobra pa nga ng isa yung sagot ko na false e.
Pero kahit ano man ang taas ng score ko sa test na yun, eto na ako ngayon, loveless. Haha. Siguro nga masyado lang akong realistic kaya ganun. :)
LOL love at first sight.. hehe. ako naman naniniwala sa Love at first sex. hehe. seriously, pag nagagawa na kasi yun nagkakaroon bigla ng feeling of attachment kala tuloy nila super love na nila. which is a longer case of infatuation pa din pala. ^__________^
ReplyDelete