Saturday, June 25, 2011

Bakit nga ba si Rizal ang pambasang bayani at hindi sina Bonifacio o Aguinaldo?

Nung ipinadala ng America ang Pangalawang Comission sa Pilipinas na pinamumunuan ni William Howard Taft ay nag karuon sila ng kaisipan na kailangang magkaruon ng pambansang bayani ang Pilipinas.
Ano nga ba ang mga batayan para maging Pambansang Bayani ng Pilipinas?
  1. Kailangan isa kang Pilipino;
  2. Kailangan ay patay ka na;
  3. The person must have solid sense of patriotism;
  4. The person must be a calm thinking person; at
  5. The person must die in a dramatic way.
Alam naman nating lahat na importante sa bansang America ang edukasyon. Isa mga pangunahing batayan ng Amerikano ang pagiging edukado ng isang tao.
Sinu-sino ang mga naging kandidato para maging Pambansang Bayani?
  1. Marcelo del Pilar
  2. Antonio Luna
  3. Graciano Lopez Jaena
  4. Emilio Jacinto
  5. Jose Rizal
Napaisip ka ba kung bakit hindi kasama si Bonifacio at Aguinaldo? Sa mga panahong iyon ay nabubuhay pa si Aguinaldo. Unfair no? Dahil ba buhay pa ay hindi na maaring maging bayani? Buti nalang sa panahon natin ay kinikilala na ang mga buhay na bayani katulad ng mga OFW’s. (Yan ang sabi sa balita, pero hindi ako naniniwala, nagiging after lang naman ang gobyerno sa remittance na ipinapadala nila, ngunit hindi naman talaga sila pinapahalagahan ng gobyerno natin.) Ano ng nangyayari sa kanila ngayon? Ayun, nangangatulong. Katulong na bayani? At bakit hindi si Bonifacio? Dahil nga sa hindi niya natapos ang kanyang pag aaral ay natanggal na siya o hindi napasama sa listahan. Grade 4 lang ang kanyang natapos. Hindi magandang imahe para sa mga tao na nakatapos lang ng grade 4 ang magiging bayani dahil nga sa pinapahalagahan ng husto ng Amerika ang pag aaral.

At bakit si Rizal at hindi ang apat na napabilang sa itaas? “The person must be a calm thinking person.” Ibig sabihin, kikilalanin ka lang na bayani kapag hindi ka gumamit ng sandata o armas sa iyong pakikibaka sa pag kamtan ng kalayaan. Laglag sa kategoryang iyan sina Antonio Luna at Emilio Jacinto dahil gumamit sila ng dahas upang makamit ang kanilang kagustuhan.

“The person must die in a dramatic way.” Dyan naman nawala ang pangalan nina del Pilar at Jaena. Kilalang repormista sina del Pilar, Jaena at Rizal. Lumaban sila sa mapanikil na pamamaraan ng mga Kastila gamit ang kanilang panulat. Ngunit paano nga ba namatay ang dalawa? Simple lang, namatay nalang sila na sumusuka ng dugo. Bakit? Dahil nga sa Europa sila naglagi upang mag sulat, kailangan nilang manigarilyo at uminom ng alak upang mapanatili ang init sa kanilang katawan. At ayun, dinapuan sila ng sakit na tuberculosis.  (Sana nakipag sex nalang sila ng nakipag sex, mas mainit sa katawan yun. Chos.) At mula nuon, si Rizal na ang kinilalang Pambansang Bayani ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment