Thursday, April 18, 2013

I had my first


Pagkatapos ng apat na taon ng saya, hirap, lungkot, puyat, pagod, iyak at iba’t-ibang emosyon na naramdaman ko sa kolehiyo, finally, masasabi ko narin na nakaya ko kahit madaming gustong humadlang sa pangarap ko. Andyan yung mga guro na pilit kang susubukan hanggang malabas yung kaya mo. Andyan din yung mga kaklase na handang siraan ka para lang masabi na mas magaling sila. Pero higit sa lahat, andyan din yung mga totoong kaibigan na handang mag back-up kapag nakakaramdam ka na ng inis o pagod sa mga nangyayari sa iyo.
Sa totoo lang, iilan lang silang maituturing ko na naging totoo sa akin. Marahil, karamihan sa mga taong gustong mapalapit sa akin ay ako rin ang gumawa ng paraan para mapalayo sila dahil nung una palang ay alam ko ng iba ang intensyon nila sa pakikipag kaibigan sa akin. Hindi naman sa pagiging judgmental, pero malakas yung pakiramdam ko sa mga ganyang bagay, at isa pa, sobrang hirap ako mag tiwala sa isang tao at kadalasan din, iniiwasan kong ma-attach dahil alam ko na in some point, mawawala din sila.
Pero masaya ako na nakilala ako ng ilang tao na masasabi ko na naging parte ng pag hubog kung sino ako ngayon. Mga taong talaga namang tumatak sa puso ko. Andyan yung mga nakasama at nakilala ko sa ibang orgs, mula sa Science Club, Psych Soc, Tatsulok at Mendiola Consortium, ang dami kong naging kaibigan. Dami ko rin natuklasan sa sarili ko dahil sa kanila, yun bang akala mong hindi mo kaya pero dahil sa pag push nila, ayun nagawa mo.
Mamiss ko si Benedict, Ian at Love, yung tatlong Presidente ng Mendiola. Sayang at nung isang taon ko lang sila nakilala. Sobrang hindi ko rin makakalimutan si Matthew na naging parang best friend ko ngayong college, sa lahat kasi, sa kanya ko lang nasabi yung isang sikreto na kahit kay John Rey hindi ko masabi-sabi. Hay, mamiss ko silang apat.
Sa pag graduate ko, naalala ko rin na apat na taon narin pala nung may tumawag sa akin na best friend, di ko alam kung karapat dapat ba akong tawagin na ganun kaya naman sobrang saya ko talaga na nakilala ko siya. Kaya ngayon, hindi lang kaibigan turing ko sa kanya kundi kapatid pa.
Yung mga nakasama ko din nung 16, di ko inaakala na darating ako sa point na ganun. Yung point na nawala ka ng respeto sa sarili mo. Pero masaya naman ang kinalabasan. Alam kong di na mauulit yun, at ayoko ng maulit pa talaga. Good night.

No comments:

Post a Comment