Saturday, June 25, 2011

Espanyol, Malapit sa ating Kultura, Just a Station Away

Naging bahagi ng pang araw-araw na buhay ko ang pagsakay sa Light Rail Transit. Maraming klaseng tao ang nakakasalamuha ko sa pag sakat ng tren. Hindi lang basta pang mahirap ang tren, marami rin kasi akong nakikitang may kaya sa buhay ang sumasakay dito. Iba’t ibang klase din ng estudyante ang makikita mo sa LRT. 

May mga pa sweet – Sila yung mga taong laging nakadikit kay Sweetie at Babe. Madalas mo silang makikitang nakapwesto sa may bandang likuran ng tren. Mas masaya sila kapag punong puno ang tren. Time nila yun para makapagyakapan ng walang hanggan.
May mga pa nerd – Eto yung mga tipo ng tao na kahit nakatayo lang sa tren ay panay pa ang basa ng libro kahit pa sobrang ingay na sa loob. Minsan napapaisip ako kung may naabsorb ba sila sa binabasa nila dahil sa sobrang ingay. Kadalasan mo silang makikita na nakaupo sa sahig ng tren.
May mga emo ­– Eto yung mga klase ng tao na madalas mag isa lang sa tren. Makikita mo silang laging may earphone/headphone on full blast. Para bang sila lang yung tao sa tren sa sobrang lakas ng music. Party teh? Party? Kadalasan sila yung kinaiinisan ng mga matatanda.
May mga pa girl/boy next door – Sila yung mga tipo ng pasahero na kinaiinisan ko. Kasi naman, sila yung mga pasahero na ayaw tumabi kapag may mga papasok na pasahero. Di ko alam kung bakit gustong gusto nilang katabi yung pintuan kahit may nakalagay na “Don’t lean on train doors.” Sila yung madalas mangbangga ng kapwa pasahero para lang di sila maalis sa tabi ng pintuan.

May mga pa gentleman kuno – Eto yung mga lalaking ready na ibigay yung kanilang upuan kapag may nakitang magandang babae. Syempre may pinipili sila kung kanino lang nila ibibigay yung upuan, mas maganda, mas ayos. Pero kapag matanda na,  chos, mamatay ka sa rayuma sa katatayo ang drama nila.
May mga kupal talaga – Sila yung mga lalaking kahit anong gawin mo, deadma lang. Madalas mo silang makikitang nakaupo. Kahit maganda ka o bata ka pa, di ka nila papansin at papaupuin. Madalas din silang nag tutulug tulugan sa biyahe. Didilat lang yang mga yan kapag lalabas na sila ng tren. Pero mas OK sila kesa dun sa mga pa gentleman kuno, kasi totoo silang tao at hindi na nila kailangang magkuwari pa gentleman sila.

No comments:

Post a Comment