Tatay na ko. Nagulat ka ba? Isa akong batang ama, maagang lumandi kaya magaang nag ka anak. Pero, wala akong pinag sisihan, pag katapos ng sarap na aking nadama, ay puro hirap din ang aking inabot. Ganun siguro talaga, kailangan mo munang maramdaman ang pag hihirap bago masabing “Ah, dapat sinunod ko ang payo nila.”
Pero, syempre joke lang yung unang paragraph. :) Kakaibang paraan ko cinelebrate ang father’s day ngayong taon. Pumunta kami sa Manila Boystown na located sa Marikina para mag tanim ng mga halaman. Nung una, hindi na sana ako tutuloy dahil medyo may kalakasan ang ulan. Pag dating namin dun, medyo matagal kaming nag intay sa iba pa naming kasamahan.
Matagal tagal din ang pag iintay namin sa loob ng Boys town, maraming kabataan ang nandoon, mga batang namulat sa kahirapaan ng buhay. Mayroon ding mga lolo at lola na bakas na bakas sa kanilang mga mata ang kalungkutan. “Paano kaya kung isa ako sa mga batang andito ngayon?” Biglang pumasok sa isip ko na swerte parin pala ako sa buhay dahil kumpleto parin ang aking pamilya at kahit papaano ay nakakaraos kami sa pang araw-araw na gastusin.
Nung mag tatanim na kami ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Inalisan namin ng damo ang paligid at saka nag hukay ng tamang lalim para sa mga itatanim na halaman. Isa isa na naming nilipat yung mga pananim sa hukay. Pinangako ko sa sarili ko na mag sisilbi akong ama sa mga halaman na yon, babalikan ko sila at sisikaping alagaan sa abot ng aking makakaya.
No comments:
Post a Comment