Saturday, June 25, 2011

Friendship and Frappes

Kahapon, pagkatapos ng mahabang deliberation tungkol sa action plan at paglalakad ng matagal sa Recto, naisipan ko’ng pumunta muna sa Sta. Lucia bago umuwi. Tumambay lang sa Coffe Shop at nag basa ng libro sa National Bookstore. Nakaugalian ko na kasi na kapag wala akong perang pambili ng libro, tumatambay nalang ako sa bookstore para mag basa. Minsan pa nga ay binubuksan ko pa yung cover na plastic para lang mabasa yung libro na gusto ko. Buti nalang never pa akong nahuhuli na nagbubukas ng cover ng libro nila. I read books like a boss. Less gastos diba? Pero kapag nagustuhan ko talaga yung libro, binibili ko rin naman yun agad kapag nag kapera na ako, pero syempre, yung bago na yung kinukuha ko. Para ididisplay ko nalang sa bahay yung libro na may cover pa.

Bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako dun sa bagong bukas na family business namin. Kumain ako dun, at nag palipas ng ilang sandali bago tuluyang umuwi ng bahay. Bago ako umuwi, nakita ko yung bestfriend ko na kasama pa yung mga kaibigan nya sa Theater. Kumain din pala sila dun. Di ko agad napansin kasi nasa may second floor ako. Nagulat sya nung bumababa ako tinanong kung kami ba yung may-ari ng business na yun. Nag usap lang kami ng sandali, ang awkward kasi e, ang dami nyang kasama. Hindi ako sanay sa ganun. Madalas kasi kapag nag uusap kami, kaming dalawa lang. 

Medyo nalungkot lang ako, siguro natatakot lang ako na baka tuluyang mabawasan na naman ako ng kaibigan. Natatakot ako na baka sa dami bago nyang kaibigan ay tuluyang makalimutan na nya ako.Naiinis ako kapag nakakahanap ng bagong kaibigan yung mga kaibigan ko. May pag ka selfish kasi ako pag dating sa kaibigan. 

Bago sya nag paalam sa akin na uuwi na sya, naalala ko yung variety ng kape sa coffee shop na yun. Iba’t ibang lasa, iba’t ibang pag pipilian. May mga matamis, mapait at iba pa. Pumasok din sa isipan ko na kahit madami na pala syang bagong kaibigan may isang partikular na klase ng kape ang kanyang babalik balikan. Yung kapeng lagi nyang kasama sa panahon ng kalungkutan at kasiyahan. At ako yun. Ikaw anong klaseng frappe ang gusto mo?

No comments:

Post a Comment