Saturday, June 25, 2011

Study Tips

Be organized. I-check lahat ng gamit bago pumasok. Iaayos ang bag bago matulog. Ayon sa Kokology (study of mind/spirit) sumasalamin daw ang bag ng isang estudyante sa kanyang utak. Kapag magulo ang loob ng bag, magulo rin ang takbo ng utak. Kapag maayos, maayos din ang takbo ng pag iisip. Eh pano kapag walang bag? Alam na.
 
Meditate. Have you heard about Transcendental Meditation or about the Maharishi Foundation? Kung hindi pa, try to Google it. Transcendental meditation enables to transcend the state of consciousness of an individual to the fullest. Hindi lang ‘yon, nakakatulong din ito na sa kalusugan ng isang tao. Sino ba naman ang may ayaw ng maayos na pag iisip at kalusugan diba?

Read. Read. Read. Advance reading is the key. Marami sa atin ang hindi ginagawa ito.  Mas maganda kung summer palang ay nag sisimula ka ng mag basa.Nakakabawas din ito ng sa mga bagay na kailangan mong dalin sa school. Mas maganda yung nag babasa ka in advance kasi di ka na mangangapa pa sa lecture.

Listen to Music. Proven na nakakatulong ma-absorb ng utak ng tao ang kanyang inaaral habang nakikinig sa saliw ng musika. Pero, hindi lahat ng genre ng music ay applicable dito. Classical music is one of the best kapag nag aaral. Try mong making ng rock music habang nag aaral ka, tignan nalang natin kung may matutunan ka.  Correlation study, anyone?

Listening while jotting down notes is a big no-no. Focus. Mas magiging maayos kung makikinig ka nalang ng mabuti sa professor habang nag le-lecture. Gamitin mo ang pagiging friendly mo sa pang hihiram ng notes ng mga kaibigan mo. Hayaan mo silang mag sulat, makinig ka nalang.

No comments:

Post a Comment