Talino. Kung sa tingin mo naman ay may talino kang taglay, bakit hindi mo subukang mag apply ng scholarship at ilihim mo ito sa iyong mga magulang? I-diretso mo nalang sa bulsa mo yung ibibigay na pang tuition sayo. Instant money, baby. Saka mo nalang sabihin sa parents mo kapag ubos na yung pera mo. Sigurado, magiging proud parin sila sayo.
Be an Entrepreneur. Di naman nakakahiya kung mag dadala ka ng paninda sa school, just make sure na hindi mo mas hihigitan ang tinda sa inyong canteen ha. Para saan pa ang pagkakaibigan kung hindi mo susubukan?
Printing. Uso sa college ang paper works. Anong silbi ng printer nyo sa bahay kung hindi mo siya pag kakakitaan? Ganito lang yan, mang hingi ka sa parents mo ng pangbili ng maraming ink. Tapos, kapag may mga research works, ikaw na ang mag prisinta sa mga classmate mo na mag print ng mga paper works nila. Di ka na gumastos, kumita ka pa.
Talent. Ikaw ba yung tipo ng estudyante na punong puno ng enthusiasm? Kung oo, para sa’yo ito. Gamitin mo yang talento mo sa pag sali sa lahat ng contest sa school mo. Instant fame din ito para sayo.
Marami pang iba, nasasayo na yun kung paano mo susulitin ang pag pasok mo sa school. Nasasayo na kung paano mo pag kakakitaan ang mga simpleng bagay sa paligid mo. Minsan may mga iba pang bagay na hindi mo napapansin na pwede na palang makapag bigay ng pera sa’yo.
Ngayon masasabi mo pa bang hindi mas masaya sa school? It’s a matter of how you will use the available resources. Pwede mo rin gamitin yang mga nakakainis mong classmates, kapag sobrang yamot mo na sakanila, pwede mo silang pagkakitaan. Chop chopin ang katawan at ipag benta sa daan. Instant money diba.
No comments:
Post a Comment