Tirik na tirik ang araw, mausok, nag kalat ang tao sa daan. Sigaw dito, sigaw duon. Ala una i-medya na ng dumating ako sa kanto ng Mendiola. Hindi na bago sa paningin ko yung mga ganung pangyayari. Minsan narin akong nag kasugat dahil sa nag kalat na barbed wire sa daan, sa kaka-iwas ko na masabit ang bag ko, ayun, kamay ko ang napuruhan. Hanggang ngayon hindi pa nawawala yung marka ng barbed wire sa aking braso. Naalala ko pa yung sandali na nasaktan ako dahil dun, “OUCH!” yan nalang ang bumulalas sa aking bibig nung nasabit ako. Halata parin ang kaartehan ko kahit nasasaktan na ko. Haha.
Balik sa kwento, bago ako dumiretso sa meeting namin kaninang hapon, nakinig muna ako sa mga hinaing ng mga taong nag rarally sa labas ng Mendiola Peace Arch. Yun kasi ang nagsisilbing harang para sa mga taong nag rarally sa labas ng Mendiola. Nakita ko na naman yung rebulto ng lalaking nakaluhod na pininturahan ng kung anu-ano ng mga rallyista. (Hanggang ngayon, hindi ko parin alam yung pangalan ng rebulto sa gitna ng Mendiola). Ilang ulit na kasing sinusulat sulatan yung rebulto na yun. Kawawa naman sya, wala naman syang kinalaman sa mga nangyayari pero madalas syang nadadamamay sa hinaing ng mga nag rarally.
Ang issue? Tinututulan ng mga rallyista yung bagong programa ng administrasyong Aquino tungkol sa edukasyon. Yung tinatawag na K12 Education System yung tinutulan nila. Sa pagkakaintindi ko, kapag napatupad ang sistema na yan, madagdagan ng dalawang taon ang basic education. Ayaw daw kasi nilang maipasa yung batas na ‘to kasi dagdag gastos lang daw para sa pamilyang Filipino. Lalo lang daw mahihirapan ang mga tao dahil dito.
Wala naman akong problema kung mapapatupad ang sistema na yan. Bulok naman kasi talaga ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Mas madaming magandang mangyayari kung mapapatupad ang sistema na yan. Saka sa totoo lang, tayo lang naman ata ang may ganitong sistema ng edukasyon. Kaso, baka kapag napatupad naman ang sistema na yan, baka mauwi lang sa wala at mag dulot pa ng mga bagong anomalya sa gobyerno ni Juan.
“This quality of education is reflected in the inadequate preparation of high school graduates for the world of work or entrepreneurship or higher education.” If ten years were adequate, how come employers do not hire fresh high school graduates? How come most high school graduates flunk the UPCAT?”
Kayo, sang ayon ba kayo na madagdagan ng dalawang taon ang basic education? Ako, wala akong pakialam kasi di naman na ako maapektuhan kahit maipatupad pa yang sistema na yan. Lels. Kidding aside, sang ayon ako na maipatupad na yan. Para rin naman sa ikakabuti ng nakakarami kung ipapatupad na yang sistema na yan.
No comments:
Post a Comment