Saturday, June 25, 2011

Tulaan sa Tren

Kapag sumasakay ako ng LRT, madalas kong binabasa yung mga nakalagay nga tula sa may bandang taas ng tren. Minsan nga ay naglalakad pa ako sa loob ng tren para lang mabasa lahat ng tula na nakasulat duon. Isa sa mga paborito kong tula ay yung “Tu Risa” ni pareng Pablo Neruda. Close kami ni Pablo. Sino nga ba si pareng Pablo? Sa mga hindi nakakaalam si pareng Pablo yung may akda ng classic bitter-bitteran poem na pinamagatang “Tonight I can Write.” Kung hindi mo parin alam kung ano yung tula na nabanggit ko kanina, mag google ka na, siguradong makakarelate ka.
Eto nga pala yung last line ng tula na “Tu Risa” ni pareng Pablo na makikita nyo sa LRT:

ipagkait mo na ang tinapay, 
hangin, liwanag at tagsibol,
wag lamang ang iyong ngiti 
 pagkat ito’y aking ikasasawi.

Abridged version lang yung nasa tren, mas maganda kung babasahin nyo ng buo yang tula na yan. Kahit paulit-ulit ko na yang binabasa, di parin nawawala ang ngiti sa aking labi. Madalas ako nag wa-walk trip sa loob ng tren. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil palakad lakad ako sa loob. Masaya ako kapag yung tren na may berso sa metro yung nasasakyan ko.

No comments:

Post a Comment