Eto yung pinaka masayang part ng high school ko. Dito ko naranasan na mapadpad sa Manila dahil sa pag hahanap ng school na pwedeng pasukan pag nag college na ko. Marami akong school na napuntahan, halos lahat ata ng school nag take ako ng exam. Madalas kasi ako sumama sa mga classmate ko na naghahanap din ng school na pwedeng pasukan. Bayad lang ako ng bayad ng entrance exam kahit hindi ko trip yung school, nag tatake parin ako. Yung experience kasi yung habol ko nung mga panahon na yun.
University of the Philippines, Diliman. Ito yung di ko makakalimutan. Muntik na kasi akong hindi makauwi ng bahay nung nag take ako ng exam dito. Mag kakahiwalay kasi kami nung mga classmate ko ng building. Hindi ko pa naman kabisado yung UP. Sa sobrang laki, hindi ko alam kung paano ako uuwi. Naubusan pa ng battery yung cellphone ko nung mga panahon na yun. Kinabahan talaga ako ng todo, umikot ikot lang ako sa loob ng UP at nag babaka-sakali na may makita akong kakilala. Halos isang oras na akong paikot-ikot pero wala parin akong nakikita. Mga ilang oras din akong nakatambay dun ng may biglang tumawag sa akin. At yun, nanghiram ako sa kanya ng cellphone para mai-text yung tatay ko para sunduin ako. Unfotunately, nung bigayan na ng result, dun talaga ako umiyak ng palihim, hindi kasi ako nakapasa e. Hindi ko kasi napaghandaan yung pagsusulit. Journalism nga pala yung kukunin kong course sana sa UPD.
Polytechnic University of the Philippines. Halos 90% ng classmates ko nung High School nag take ng exam dito, eh ako, devastated parin sa pagbagsak sa UP kaya di ko masyadong inintindi yung pag take ng exam dito. Niyaya lang ako nung mga kabarkada ko nung High School kaya ako nag take dito. Gusto ko sanang kunin na course dito ay Psychology kaso wala ata sila nung Industrial Psychology, Clinical lang ata that time yung meron sila. Kaya, nauwi na naman ako sa Journalism. Medyo OK lang yung exam. Na culture shock nga lang ako sa school na ito. Ibang iba kasi yung environment, hindi kasi uso yung electric fan nung nag exam kami dun. Maarte ako e. I got 127 ata over 150 sa exam nila. Hindi ko masyadong nasagutan ng maayos yung mga tanung sa General/Current News (not sure sa tawag sa part ng exam nay un).
Eulogio Amang Rodriguez Institue of Science and Technology. May mga classmate kasi ako na nagpasama sa school na yan. Sabi nila intayin ko nalang daw sila sa labas. Medyo matagal daw yung exam kaya kung gusto ko daw ay pumunta nalang daw muna ako sa SM Centerpoint since malapit lang naman yung naturang mall sa lugar na yun. Hindi ako pumayag kaya nag take narin ako ng exam kasabay nila. Electronics and Communication Engineering yung kinuha ko dito. Halatang trip lang kasi ayokong ayoko talaga dati sa Mathematics tapos kumuha ako ng kurso na nakatuon sa asignaturang Sipnayan. Pero ngayon nagustuhan ko na naman yung Mathematics. Hindi rin gaano kahirap yung exam dito. Sakto lang, na bother lang ako sa kulay ng uniform nila. Parang red and khaki ata yun.
Central College of the Philippines. Libre lang ata yung exam dito e, kaya nag take din ako. Sinamahan ko lang ulit yung mga classmate ko. Wala pa atang 10 minutes ay nakuha na namin lahat nung resulta ng exam namin. Lahat kami pasado. Nakakalito lang yung Abstract Reasoning sa exam nila. Medyo may kagandahan naman ‘tong school na ‘to. Kung hindi ako nag kakamali Economics ata yung kinuha kong course dito.
National University. Hahahaha. Eto yung pinaka laugh trip na exam. Yung mga taga NU na kasi yung pumunta sa school namin. Dun sa school lobby kame nag exam. Sabi nung teacher namin, kung sinu daw may gusto mag exam, pwede ng lumabas sa klase. Mathematics time pa naman namin yun, kaya lumabas nalang kame kase tinatamad na kame sa klase. Kopyahan galore yung nangyare. Tatlo lang kasi ata yung nag babantay sa amin habang nag eexam. Madali lang naman yung exam, tinamad lang kame mag basa. Saka kaya lang naman kami nag take ng exam nun para makaiwas sa lecture namin. Kopya dito,kopya dun. Walang nagawa yung mga proctor kundi tignan nalang kami. May dalawang essay question pa yung exam nila pag dating sa last part.
Centro Escolar University. No choice na ‘ko e. Last day na ng March pero wala parin akong matinung school na nahahanap para pasukan. Practice ng graduation nun nung pumunta kami ng barkada ko sa school na ‘to. Reason: Tinatamad kaming mag practice sa initan. Kaya nag pa excuse kami dun sa adviser namin na kung pwede pupunta nalang kami sa school na nabanggit ko kanina para mag take ng exam, buti nalang close kami nung adviser namin kaya pinayagan kami. Ako lang yung nag exam kasi wala pala silang dalang pera. K. Forever alone ako sa examination room. B.S. Psychology yung kinuha kong course, I mean, B.S. Psychology yung pinakuha sa akin na course. Pasado naman ako.
The Pontifical and Royal University of Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines. Isa ito sa mga pinag sisihan ko talaga. Dahil nga devastated ako sa nagging result sa UP, hindi ko na naasikaso yung pag take ng exam dito. Akala ko kasi pwede ang walk-in applicants. Pero nagkamali ako, isang malaking pagkakamali na hindi ako nag exam agad.
Marami pang iba. Baka kasi kapag inisa-isa ko pa, hindi na ko matapos sa pag susulat.
Lesson: Wag masyadong mag pa apekto sa isang bagay. Laging mag karoon ng Plan B, C, D hanggang Z. Wag masyadong dibdibin ang pag bagsak. Malay mo, hindi pala talaga para sa’yo ang isang bagay. Pero, who knows? Pwede ka pa namang mag aral ulit diba. Konting sipag lang ang kailangan at makaka apak ka rin sa eskwelahang iyong nanaisin. Hello, Master’s Degree. Ngayon ko lang din naisip na ang dami ko rin palang perang nasayang sa kaka-take ng exam. Pero ayos lang, hindi naman kasi mababayaran yung experience habang nag hahanap ng school. May kakaibang saya ang naidulot nun sa akin nung mga panahon na ‘yon.
:)) naliwanagan ako. !! :>
ReplyDelete