Tuesday, October 18, 2011

Never Gonna Leave This Bed


Oh hi, natulog kami sa isang kwarto, sa sobrang sikip, hindi ko alam kung saan ako pwepwesto, anim kami sa isang kama, kaya napag pasyahan ko na sa paanan nalang nila ako matutulog since halos puro babae sila. Nakainom na kaming lahat, halata sa kanya na may tama na siya ng alak dahil sobrang ingay nya niya. Unang pag kakataon ko palang siyang nakitang ganun, madalas kasi tahimik at maayos siya kung kumilos. Hindi muna ako agad natulog dahil katext ko pa yung best friend ko, hindi ko namalayan na tulog na pala silang lahat. Hindi ko rin napansin na nakatulog na pala ako sa tiyan niya, maya maya pa ay nagising nalang ako na hinihigit niya ako sa tabi niya. “Umayos ka, dito ka nalang sa taas.” Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko nalang din siyang higitin ako. Sobrang antok talaga ang naramdam ko sa mga sandaling yun. 

Mag uumaga na nung napansin kong siya na pala katabi ko, hindi na muna ako nakatulog ulit. Binantayan ko nalang siya habang natutulog. Sa sobrang sikip, hindi ko nagawang tumayo. Hinayaan ko nalang dahil alam kong mabigat pa ang kanyang pakiramdam. Basta, ang alam ko, hindi ako nanaginip na katabi ko siyang matulog kagabi. Face to face. Nung medyo inantok na’ko nahiga nalang ako malapit sa balikat niya. As in, I have the opportunity to do whatever I want to do with her, buti nalang ay medyo malakas si superego kagabi. “Never Gonna Leave This Bed” na ang theme song ng buhay ko mula ngayon. Lols

Monday, September 12, 2011

Simple Joys


Natulog ako kagabi ng naka uniform pa. Alas otso y medya na kase nung nakauwi ako sa bahay. Ang tagal kasi ng meeting. Dapat dadaan pa ako sa Gateway kasi nag text yung kaibigan ko na nandun daw siya at manunuod ng Harry Potter, di ko na tinanong kung sino yung kasama nya. Wala rin naman akong balak manuod ng HP, gusto ko lang sanang makita sila, tapos uwi din agad. Pero sa sobrang pagod, di ko namalayan na nakalagpas na pala ako sa Araneta Center - Cubao Station.

May balak pa naman ako na tumambay sa Cubao X pag katapos ko silang kitain. Sa kasamaang palad, dumiretso nalang ako ng bahay at hindi na nakapunta sa kanila. Suck it! Pag dating sa bahay, diretso agad sa kama, binitawan ang bag sa sahig at natulog nalang ng hindi man lang nag hihilamos, nag sepilyo, kumain at nag palit ng damit.

Pag gising ko kaninang tanghali, bumungad sa akin yung nanay ko, “Anak, Sabado ngayon ha, may pasok ka pala?” Nagulat ako at biglang naalala na naka sapatos at naka uniform pa pala ako nung gumising. Nag katinginan kami ni Mama at bigla nalang kaming tumawa.

Thursday, August 18, 2011

Instant


Ang pag-ibig parang lotto lang yan, marami sa atin ang gustong makakuha ng jackpot prize, ngunit iilan lang ang nag tyatyagang pumila sa initan upang makakuha ng ticket. Marami sa atin ang nagmamahal, ngunit wala namang ginagawang aksyon upang mahalin din sila. Kasama na siguro sa kulturang Pilipino ang pag taya sa lotto. Marami kasi sa atin ang gustong yumaman ng madalian, yun bang isang araw gigising ka nalang na nakahiga ka na sa pera. Yun bang wala ka ng kailangang gawin sa buong araw kundi isipin kung saan mo gagastusin yung salapi na iyong napanalunan.

Usong uso na ngayon ang mga bagay na “instant”, nasanay na kasi tayo sa mga pagkain o inumin na hindi kailangang pag laanan ng matagal na panahon upang lutuiin o ihanda katulad nalang ng instant noodles, instant ulam at marami pang iba. Sa mga panahong oras ang kalaban, ang mga bagay na instant ang ating pakikinabangan. Ngunit, sa kabila ng convenience na naidudulot nito, karamihan sa atin ay hindi alam ang masamang epekto ng mga bagay o pagkain na instant.

Kung pag-ibig naman ang pag-uusapan, karamihan narin sa ating mga Pinoy ang may gusto ng instant love o instant partner yun bang hindi mo na kailangan ligawan ng matagal, yung isang teks lang, kayo na agad, yung isang tingin mo lang sa kanya ay sasagutin ka na.  Namulat ako sa henerasyong pang madalian, lahat ng bagay minamadali, para bang laging may nag iintay na taksi na tumatakbo ang metro sa kakaintay sa labas ng pintuan kaya’t hindi mapakali at basta basta nalang lalabas ng hindi pa handa o hindi pa alam ang kanyang patutunguhan.   

Unti unti na ring nawawala yung kultura ng mga Pinoy na ligawan. Hindi na uso yung pupunta yung mga kalalakihan sa tahanan ng kanilang sinisinta upang umakyat ng ligaw o mang harana. Sa panahon kasi ngayon, sa kalsada nalang o minsan pa nga’y sa facebook nalang nagaganap ang ligawan at sa youtube nalang nangayayari ang pang haharana gamit ang mga kanta ng kung sinu-sinong iniidolong artista. Kung mahilig kayong manuod ng old pinoy love films, masasaksihan nyo dun kung gaano kakulay at gaano kaganda ang kultura ng panliligaw ng mga pinoy. Sayang naman at sa pelikula nalang masasaksihan ng mga susunod pang henerasyon ang mga tradisyong Pilipino na karapat dapat nating hangaan at muling bigyan ng pansin.

Sa pag aaral man, mahilig narin ang mga estudyante sa bagay na instant. Instant takdang aralin na kinukuha nalang sa kung anu-anong websayt na nag bibigay ng sagot sa mga katanungan ng mga estudyante. Isang pindot lamang sa teklado ay may mga katanungan na agad na masasagot sa kanilang mga takdang aralin. Copy and paste, isa sa mga pinaka gasgas na paraan kung paano gumagawa ng mga takdang aralin ang mga estudyante. Bakit nga ba lotto ang titulo ng artikulo na ito, wala lang, instant title lang.

Modernisasyon at teknolohiya. Yan siguro ang dalawa sa mga pangunahing dahilan sa mga pag babago. Dahil din dyan, marami narin tayong gawain na napadali, ngunit sa kabilang banda marami narin tayong mga bagay ang naisantabi at nasira. Mga bagay na hindi na bigyan ng wastong panahon at pang unawa. Ngunit hindi pa huli ang lahat, habang tayo’y nabubuhay may panahon pa upang mag bago at itama ang ating mga pag kakamali. 

Sunday, June 26, 2011

Group Counseling

Naalala ko few days bago mag Midterm exam last semester ay nag karoon kami ng group counseling, at syempre dahil teens kami, ang topic ay tungkol sa love. Nung una nag kahiyaan pa umamin kung sino yung may mga karelasyon that time, pero dahil kami kami lang yun nandun, isa isa narin nag taasan ng kamay kung sino yung may mga BF o GF. At syempre isa ako dun that time.

After a few talk, binigyan kami ng quiz, wala naman daw epekto yung score ng quiz na yun sa magiging grade namin, pero dahil grade conscious ako, medyo sineryoso ko yung quiz. Simple lang naman yung mga tanong, true or false lang. Yung mga tipong totoo ba yung love at first sight, masasabi mo bang mahal mo na agad yung tao kahit di pa kayo nag kikita, basta yung mga ganung tanong.

Nung time na para i-check yung quiz, tinanong nung counselor kung ilan daw yung sagot namin na false, karamihan sa classmates ko 12-13 lang yung mga sagot nilang false, nagulat ako kasi isa lang yung sagot ko na true.

After that the counselor explained every question, natawa lang ako kasi halos lahat sa mga classmates ko naniniwala sa love at first sight, tang ina lang. Konti lang yata kaming di naniniwala dun.
“There’s no such thing as love at first sight, lust at first sight lang ang nag eexist.” Kumbaga sa hindi mo pa mahal yung tao, na attract ka lang kasi maganda sya o gwapo o kaya naman, nakita mo lang sa kanya yung mga bagay na gusto, pero di mo pa sya agad mahal. Napaka lame lang ng mga tao na naniniwala dun.

That group counseling was intended to know the depth of our thinking when it comes to love at kung pano namin i hahandle yung mga situation tungkol sa pag ibig. Before the group session ended, sinabi nung counselor na 18/20 yung mga sagot na false. I got the highest score, sumobra pa nga ng isa yung sagot ko na false e.

Pero kahit ano man ang taas ng score ko sa test na yun, eto na ako ngayon, loveless. Haha. Siguro nga masyado lang akong realistic kaya ganun. :)

Kwentong Ondoy

It was the last week of September, the weather was awful and the wind was so strong. I was in school when it rained hard the day, everyone was in shock because we found out that there was already flood in the streets. One of my fellow Escolarians asked me, “Why are you still happy Mikael?” I didn’t say a thing to him and just walk around the campus. Good thing that I brought a pair of slippers, an umbrella and a jacket.  

Everyone rushed to the cooperative store to buy slippers, because their school shoes and socks were all wet. Unfortunately, my female friends don’t get the chance to buy slippers. Cockroaches, worms and other creepy crawlers were all in the flood. A pandemonium of shouting girls was heard all over the campus.  And again, one of my classmates asked me, “Why are you still happy Mikael?” That time, I just gave him an innocent smile. 

It was 12 noon when the school administrator announced that the classes were already suspended. Oh damn, were in school at 7 in the morning to attend our Chemistry class. We had a lesson and a short quiz. We were only few who attended the class, since we’re only few, our tiny professor gave us an additional grade for attending the class despite the heavy rain. 

 We waited for at least one hour in the campus before we went out of the school premises. Since its lunch time, we ate at Mang Inasal and chat a little; my girl friends were still worried because they don’t know if they will just wait for the rain to stop or if they will face the heavy rain just to be at home. And then again, a female friend asked me, “Why are you still happy Mikael?” That moment, I laughed hard. Other people who ate at that fast food chain looked at me with annoyance in their eyes.

It was 2 in the afternoon when we finally arrived at the Light Rail Transit station, our pants were all wet. I, together with two Filipino classmates and an Iranian friend successfully landed at the train notwithstanding the flow of the people who were also waiting for the train. My eyes wandered, and I saw a lot of familiar faces in the train, some are my school mates while some are acquaintances that I always  met in the train. I stopped wandering when my Filipino friend tapped me at the back and asked me, “Why are you still happy Mikael?” That time, I gave her another question instead of answering her inquiry. “Why I shouldn’t be happy? Will the rain stop if I will be sad? Will the flood vanish if I will cry?”

The bottom-line is, there is always a good thing in spite of the bad thing that is happening to us. If we just look at the brighter side, everything we’ll be alright. Thinking too much in a bad situation will not make any good to it; sometimes it will just make things worse. Accept whatever happens in our life and just be happy with it.

Saturday, June 25, 2011

Friendship and Frappes

Kahapon, pagkatapos ng mahabang deliberation tungkol sa action plan at paglalakad ng matagal sa Recto, naisipan ko’ng pumunta muna sa Sta. Lucia bago umuwi. Tumambay lang sa Coffe Shop at nag basa ng libro sa National Bookstore. Nakaugalian ko na kasi na kapag wala akong perang pambili ng libro, tumatambay nalang ako sa bookstore para mag basa. Minsan pa nga ay binubuksan ko pa yung cover na plastic para lang mabasa yung libro na gusto ko. Buti nalang never pa akong nahuhuli na nagbubukas ng cover ng libro nila. I read books like a boss. Less gastos diba? Pero kapag nagustuhan ko talaga yung libro, binibili ko rin naman yun agad kapag nag kapera na ako, pero syempre, yung bago na yung kinukuha ko. Para ididisplay ko nalang sa bahay yung libro na may cover pa.

Bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako dun sa bagong bukas na family business namin. Kumain ako dun, at nag palipas ng ilang sandali bago tuluyang umuwi ng bahay. Bago ako umuwi, nakita ko yung bestfriend ko na kasama pa yung mga kaibigan nya sa Theater. Kumain din pala sila dun. Di ko agad napansin kasi nasa may second floor ako. Nagulat sya nung bumababa ako tinanong kung kami ba yung may-ari ng business na yun. Nag usap lang kami ng sandali, ang awkward kasi e, ang dami nyang kasama. Hindi ako sanay sa ganun. Madalas kasi kapag nag uusap kami, kaming dalawa lang. 

Medyo nalungkot lang ako, siguro natatakot lang ako na baka tuluyang mabawasan na naman ako ng kaibigan. Natatakot ako na baka sa dami bago nyang kaibigan ay tuluyang makalimutan na nya ako.Naiinis ako kapag nakakahanap ng bagong kaibigan yung mga kaibigan ko. May pag ka selfish kasi ako pag dating sa kaibigan. 

Bago sya nag paalam sa akin na uuwi na sya, naalala ko yung variety ng kape sa coffee shop na yun. Iba’t ibang lasa, iba’t ibang pag pipilian. May mga matamis, mapait at iba pa. Pumasok din sa isipan ko na kahit madami na pala syang bagong kaibigan may isang partikular na klase ng kape ang kanyang babalik balikan. Yung kapeng lagi nyang kasama sa panahon ng kalungkutan at kasiyahan. At ako yun. Ikaw anong klaseng frappe ang gusto mo?

Study Tips

Be organized. I-check lahat ng gamit bago pumasok. Iaayos ang bag bago matulog. Ayon sa Kokology (study of mind/spirit) sumasalamin daw ang bag ng isang estudyante sa kanyang utak. Kapag magulo ang loob ng bag, magulo rin ang takbo ng utak. Kapag maayos, maayos din ang takbo ng pag iisip. Eh pano kapag walang bag? Alam na.
 
Meditate. Have you heard about Transcendental Meditation or about the Maharishi Foundation? Kung hindi pa, try to Google it. Transcendental meditation enables to transcend the state of consciousness of an individual to the fullest. Hindi lang ‘yon, nakakatulong din ito na sa kalusugan ng isang tao. Sino ba naman ang may ayaw ng maayos na pag iisip at kalusugan diba?

Read. Read. Read. Advance reading is the key. Marami sa atin ang hindi ginagawa ito.  Mas maganda kung summer palang ay nag sisimula ka ng mag basa.Nakakabawas din ito ng sa mga bagay na kailangan mong dalin sa school. Mas maganda yung nag babasa ka in advance kasi di ka na mangangapa pa sa lecture.

Listen to Music. Proven na nakakatulong ma-absorb ng utak ng tao ang kanyang inaaral habang nakikinig sa saliw ng musika. Pero, hindi lahat ng genre ng music ay applicable dito. Classical music is one of the best kapag nag aaral. Try mong making ng rock music habang nag aaral ka, tignan nalang natin kung may matutunan ka.  Correlation study, anyone?

Listening while jotting down notes is a big no-no. Focus. Mas magiging maayos kung makikinig ka nalang ng mabuti sa professor habang nag le-lecture. Gamitin mo ang pagiging friendly mo sa pang hihiram ng notes ng mga kaibigan mo. Hayaan mo silang mag sulat, makinig ka nalang.