Naalala ko few days bago mag Midterm exam last semester ay nag karoon kami ng group counseling, at syempre dahil teens kami, ang topic ay tungkol sa love. Nung una nag kahiyaan pa umamin kung sino yung may mga karelasyon that time, pero dahil kami kami lang yun nandun, isa isa narin nag taasan ng kamay kung sino yung may mga BF o GF. At syempre isa ako dun that time.
After a few talk, binigyan kami ng quiz, wala naman daw epekto yung score ng quiz na yun sa magiging grade namin, pero dahil grade conscious ako, medyo sineryoso ko yung quiz. Simple lang naman yung mga tanong, true or false lang. Yung mga tipong totoo ba yung love at first sight, masasabi mo bang mahal mo na agad yung tao kahit di pa kayo nag kikita, basta yung mga ganung tanong.
Nung time na para i-check yung quiz, tinanong nung counselor kung ilan daw yung sagot namin na false, karamihan sa classmates ko 12-13 lang yung mga sagot nilang false, nagulat ako kasi isa lang yung sagot ko na true.
After that the counselor explained every question, natawa lang ako kasi halos lahat sa mga classmates ko naniniwala sa love at first sight, tang ina lang. Konti lang yata kaming di naniniwala dun.
“There’s no such thing as love at first sight, lust at first sight lang ang nag eexist.” Kumbaga sa hindi mo pa mahal yung tao, na attract ka lang kasi maganda sya o gwapo o kaya naman, nakita mo lang sa kanya yung mga bagay na gusto, pero di mo pa sya agad mahal. Napaka lame lang ng mga tao na naniniwala dun.
That group counseling was intended to know the depth of our thinking when it comes to love at kung pano namin i hahandle yung mga situation tungkol sa pag ibig. Before the group session ended, sinabi nung counselor na 18/20 yung mga sagot na false. I got the highest score, sumobra pa nga ng isa yung sagot ko na false e.
Pero kahit ano man ang taas ng score ko sa test na yun, eto na ako ngayon, loveless. Haha. Siguro nga masyado lang akong realistic kaya ganun. :)
Sunday, June 26, 2011
Kwentong Ondoy
It was the last week of September, the weather was awful and the wind was so strong. I was in school when it rained hard the day, everyone was in shock because we found out that there was already flood in the streets. One of my fellow Escolarians asked me, “Why are you still happy Mikael?” I didn’t say a thing to him and just walk around the campus. Good thing that I brought a pair of slippers, an umbrella and a jacket.
Everyone rushed to the cooperative store to buy slippers, because their school shoes and socks were all wet. Unfortunately, my female friends don’t get the chance to buy slippers. Cockroaches, worms and other creepy crawlers were all in the flood. A pandemonium of shouting girls was heard all over the campus. And again, one of my classmates asked me, “Why are you still happy Mikael?” That time, I just gave him an innocent smile.
It was 12 noon when the school administrator announced that the classes were already suspended. Oh damn, were in school at 7 in the morning to attend our Chemistry class. We had a lesson and a short quiz. We were only few who attended the class, since we’re only few, our tiny professor gave us an additional grade for attending the class despite the heavy rain.
We waited for at least one hour in the campus before we went out of the school premises. Since its lunch time, we ate at Mang Inasal and chat a little; my girl friends were still worried because they don’t know if they will just wait for the rain to stop or if they will face the heavy rain just to be at home. And then again, a female friend asked me, “Why are you still happy Mikael?” That moment, I laughed hard. Other people who ate at that fast food chain looked at me with annoyance in their eyes.
It was 2 in the afternoon when we finally arrived at the Light Rail Transit station, our pants were all wet. I, together with two Filipino classmates and an Iranian friend successfully landed at the train notwithstanding the flow of the people who were also waiting for the train. My eyes wandered, and I saw a lot of familiar faces in the train, some are my school mates while some are acquaintances that I always met in the train. I stopped wandering when my Filipino friend tapped me at the back and asked me, “Why are you still happy Mikael?” That time, I gave her another question instead of answering her inquiry. “Why I shouldn’t be happy? Will the rain stop if I will be sad? Will the flood vanish if I will cry?”
The bottom-line is, there is always a good thing in spite of the bad thing that is happening to us. If we just look at the brighter side, everything we’ll be alright. Thinking too much in a bad situation will not make any good to it; sometimes it will just make things worse. Accept whatever happens in our life and just be happy with it.
Saturday, June 25, 2011
Friendship and Frappes
Kahapon, pagkatapos ng mahabang deliberation tungkol sa action plan at paglalakad ng matagal sa Recto, naisipan ko’ng pumunta muna sa Sta. Lucia bago umuwi. Tumambay lang sa Coffe Shop at nag basa ng libro sa National Bookstore. Nakaugalian ko na kasi na kapag wala akong perang pambili ng libro, tumatambay nalang ako sa bookstore para mag basa. Minsan pa nga ay binubuksan ko pa yung cover na plastic para lang mabasa yung libro na gusto ko. Buti nalang never pa akong nahuhuli na nagbubukas ng cover ng libro nila. I read books like a boss. Less gastos diba? Pero kapag nagustuhan ko talaga yung libro, binibili ko rin naman yun agad kapag nag kapera na ako, pero syempre, yung bago na yung kinukuha ko. Para ididisplay ko nalang sa bahay yung libro na may cover pa.
Bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako dun sa bagong bukas na family business namin. Kumain ako dun, at nag palipas ng ilang sandali bago tuluyang umuwi ng bahay. Bago ako umuwi, nakita ko yung bestfriend ko na kasama pa yung mga kaibigan nya sa Theater. Kumain din pala sila dun. Di ko agad napansin kasi nasa may second floor ako. Nagulat sya nung bumababa ako tinanong kung kami ba yung may-ari ng business na yun. Nag usap lang kami ng sandali, ang awkward kasi e, ang dami nyang kasama. Hindi ako sanay sa ganun. Madalas kasi kapag nag uusap kami, kaming dalawa lang.
Medyo nalungkot lang ako, siguro natatakot lang ako na baka tuluyang mabawasan na naman ako ng kaibigan. Natatakot ako na baka sa dami bago nyang kaibigan ay tuluyang makalimutan na nya ako.Naiinis ako kapag nakakahanap ng bagong kaibigan yung mga kaibigan ko. May pag ka selfish kasi ako pag dating sa kaibigan.
Bago sya nag paalam sa akin na uuwi na sya, naalala ko yung variety ng kape sa coffee shop na yun. Iba’t ibang lasa, iba’t ibang pag pipilian. May mga matamis, mapait at iba pa. Pumasok din sa isipan ko na kahit madami na pala syang bagong kaibigan may isang partikular na klase ng kape ang kanyang babalik balikan. Yung kapeng lagi nyang kasama sa panahon ng kalungkutan at kasiyahan. At ako yun. Ikaw anong klaseng frappe ang gusto mo?
Bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako dun sa bagong bukas na family business namin. Kumain ako dun, at nag palipas ng ilang sandali bago tuluyang umuwi ng bahay. Bago ako umuwi, nakita ko yung bestfriend ko na kasama pa yung mga kaibigan nya sa Theater. Kumain din pala sila dun. Di ko agad napansin kasi nasa may second floor ako. Nagulat sya nung bumababa ako tinanong kung kami ba yung may-ari ng business na yun. Nag usap lang kami ng sandali, ang awkward kasi e, ang dami nyang kasama. Hindi ako sanay sa ganun. Madalas kasi kapag nag uusap kami, kaming dalawa lang.
Medyo nalungkot lang ako, siguro natatakot lang ako na baka tuluyang mabawasan na naman ako ng kaibigan. Natatakot ako na baka sa dami bago nyang kaibigan ay tuluyang makalimutan na nya ako.Naiinis ako kapag nakakahanap ng bagong kaibigan yung mga kaibigan ko. May pag ka selfish kasi ako pag dating sa kaibigan.
Bago sya nag paalam sa akin na uuwi na sya, naalala ko yung variety ng kape sa coffee shop na yun. Iba’t ibang lasa, iba’t ibang pag pipilian. May mga matamis, mapait at iba pa. Pumasok din sa isipan ko na kahit madami na pala syang bagong kaibigan may isang partikular na klase ng kape ang kanyang babalik balikan. Yung kapeng lagi nyang kasama sa panahon ng kalungkutan at kasiyahan. At ako yun. Ikaw anong klaseng frappe ang gusto mo?
Study Tips
Be organized. I-check lahat ng gamit bago pumasok. Iaayos ang bag bago matulog. Ayon sa Kokology (study of mind/spirit) sumasalamin daw ang bag ng isang estudyante sa kanyang utak. Kapag magulo ang loob ng bag, magulo rin ang takbo ng utak. Kapag maayos, maayos din ang takbo ng pag iisip. Eh pano kapag walang bag? Alam na.
Meditate. Have you heard about Transcendental Meditation or about the Maharishi Foundation? Kung hindi pa, try to Google it. Transcendental meditation enables to transcend the state of consciousness of an individual to the fullest. Hindi lang ‘yon, nakakatulong din ito na sa kalusugan ng isang tao. Sino ba naman ang may ayaw ng maayos na pag iisip at kalusugan diba?
Read. Read. Read. Advance reading is the key. Marami sa atin ang hindi ginagawa ito. Mas maganda kung summer palang ay nag sisimula ka ng mag basa.Nakakabawas din ito ng sa mga bagay na kailangan mong dalin sa school. Mas maganda yung nag babasa ka in advance kasi di ka na mangangapa pa sa lecture.
Listen to Music. Proven na nakakatulong ma-absorb ng utak ng tao ang kanyang inaaral habang nakikinig sa saliw ng musika. Pero, hindi lahat ng genre ng music ay applicable dito. Classical music is one of the best kapag nag aaral. Try mong making ng rock music habang nag aaral ka, tignan nalang natin kung may matutunan ka. Correlation study, anyone?
Listening while jotting down notes is a big no-no. Focus. Mas magiging maayos kung makikinig ka nalang ng mabuti sa professor habang nag le-lecture. Gamitin mo ang pagiging friendly mo sa pang hihiram ng notes ng mga kaibigan mo. Hayaan mo silang mag sulat, makinig ka nalang.
Fourth Year High School
Eto yung pinaka masayang part ng high school ko. Dito ko naranasan na mapadpad sa Manila dahil sa pag hahanap ng school na pwedeng pasukan pag nag college na ko. Marami akong school na napuntahan, halos lahat ata ng school nag take ako ng exam. Madalas kasi ako sumama sa mga classmate ko na naghahanap din ng school na pwedeng pasukan. Bayad lang ako ng bayad ng entrance exam kahit hindi ko trip yung school, nag tatake parin ako. Yung experience kasi yung habol ko nung mga panahon na yun.
University of the Philippines, Diliman. Ito yung di ko makakalimutan. Muntik na kasi akong hindi makauwi ng bahay nung nag take ako ng exam dito. Mag kakahiwalay kasi kami nung mga classmate ko ng building. Hindi ko pa naman kabisado yung UP. Sa sobrang laki, hindi ko alam kung paano ako uuwi. Naubusan pa ng battery yung cellphone ko nung mga panahon na yun. Kinabahan talaga ako ng todo, umikot ikot lang ako sa loob ng UP at nag babaka-sakali na may makita akong kakilala. Halos isang oras na akong paikot-ikot pero wala parin akong nakikita. Mga ilang oras din akong nakatambay dun ng may biglang tumawag sa akin. At yun, nanghiram ako sa kanya ng cellphone para mai-text yung tatay ko para sunduin ako. Unfotunately, nung bigayan na ng result, dun talaga ako umiyak ng palihim, hindi kasi ako nakapasa e. Hindi ko kasi napaghandaan yung pagsusulit. Journalism nga pala yung kukunin kong course sana sa UPD.
Polytechnic University of the Philippines. Halos 90% ng classmates ko nung High School nag take ng exam dito, eh ako, devastated parin sa pagbagsak sa UP kaya di ko masyadong inintindi yung pag take ng exam dito. Niyaya lang ako nung mga kabarkada ko nung High School kaya ako nag take dito. Gusto ko sanang kunin na course dito ay Psychology kaso wala ata sila nung Industrial Psychology, Clinical lang ata that time yung meron sila. Kaya, nauwi na naman ako sa Journalism. Medyo OK lang yung exam. Na culture shock nga lang ako sa school na ito. Ibang iba kasi yung environment, hindi kasi uso yung electric fan nung nag exam kami dun. Maarte ako e. I got 127 ata over 150 sa exam nila. Hindi ko masyadong nasagutan ng maayos yung mga tanung sa General/Current News (not sure sa tawag sa part ng exam nay un).
Eulogio Amang Rodriguez Institue of Science and Technology. May mga classmate kasi ako na nagpasama sa school na yan. Sabi nila intayin ko nalang daw sila sa labas. Medyo matagal daw yung exam kaya kung gusto ko daw ay pumunta nalang daw muna ako sa SM Centerpoint since malapit lang naman yung naturang mall sa lugar na yun. Hindi ako pumayag kaya nag take narin ako ng exam kasabay nila. Electronics and Communication Engineering yung kinuha ko dito. Halatang trip lang kasi ayokong ayoko talaga dati sa Mathematics tapos kumuha ako ng kurso na nakatuon sa asignaturang Sipnayan. Pero ngayon nagustuhan ko na naman yung Mathematics. Hindi rin gaano kahirap yung exam dito. Sakto lang, na bother lang ako sa kulay ng uniform nila. Parang red and khaki ata yun.
Central College of the Philippines. Libre lang ata yung exam dito e, kaya nag take din ako. Sinamahan ko lang ulit yung mga classmate ko. Wala pa atang 10 minutes ay nakuha na namin lahat nung resulta ng exam namin. Lahat kami pasado. Nakakalito lang yung Abstract Reasoning sa exam nila. Medyo may kagandahan naman ‘tong school na ‘to. Kung hindi ako nag kakamali Economics ata yung kinuha kong course dito.
National University. Hahahaha. Eto yung pinaka laugh trip na exam. Yung mga taga NU na kasi yung pumunta sa school namin. Dun sa school lobby kame nag exam. Sabi nung teacher namin, kung sinu daw may gusto mag exam, pwede ng lumabas sa klase. Mathematics time pa naman namin yun, kaya lumabas nalang kame kase tinatamad na kame sa klase. Kopyahan galore yung nangyare. Tatlo lang kasi ata yung nag babantay sa amin habang nag eexam. Madali lang naman yung exam, tinamad lang kame mag basa. Saka kaya lang naman kami nag take ng exam nun para makaiwas sa lecture namin. Kopya dito,kopya dun. Walang nagawa yung mga proctor kundi tignan nalang kami. May dalawang essay question pa yung exam nila pag dating sa last part.
Centro Escolar University. No choice na ‘ko e. Last day na ng March pero wala parin akong matinung school na nahahanap para pasukan. Practice ng graduation nun nung pumunta kami ng barkada ko sa school na ‘to. Reason: Tinatamad kaming mag practice sa initan. Kaya nag pa excuse kami dun sa adviser namin na kung pwede pupunta nalang kami sa school na nabanggit ko kanina para mag take ng exam, buti nalang close kami nung adviser namin kaya pinayagan kami. Ako lang yung nag exam kasi wala pala silang dalang pera. K. Forever alone ako sa examination room. B.S. Psychology yung kinuha kong course, I mean, B.S. Psychology yung pinakuha sa akin na course. Pasado naman ako.
The Pontifical and Royal University of Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines. Isa ito sa mga pinag sisihan ko talaga. Dahil nga devastated ako sa nagging result sa UP, hindi ko na naasikaso yung pag take ng exam dito. Akala ko kasi pwede ang walk-in applicants. Pero nagkamali ako, isang malaking pagkakamali na hindi ako nag exam agad.
Marami pang iba. Baka kasi kapag inisa-isa ko pa, hindi na ko matapos sa pag susulat.
Lesson: Wag masyadong mag pa apekto sa isang bagay. Laging mag karoon ng Plan B, C, D hanggang Z. Wag masyadong dibdibin ang pag bagsak. Malay mo, hindi pala talaga para sa’yo ang isang bagay. Pero, who knows? Pwede ka pa namang mag aral ulit diba. Konting sipag lang ang kailangan at makaka apak ka rin sa eskwelahang iyong nanaisin. Hello, Master’s Degree. Ngayon ko lang din naisip na ang dami ko rin palang perang nasayang sa kaka-take ng exam. Pero ayos lang, hindi naman kasi mababayaran yung experience habang nag hahanap ng school. May kakaibang saya ang naidulot nun sa akin nung mga panahon na ‘yon.
Tulaan sa Tren
Kapag sumasakay ako ng LRT, madalas kong binabasa yung mga nakalagay nga tula sa may bandang taas ng tren. Minsan nga ay naglalakad pa ako sa loob ng tren para lang mabasa lahat ng tula na nakasulat duon. Isa sa mga paborito kong tula ay yung “Tu Risa” ni pareng Pablo Neruda. Close kami ni Pablo. Sino nga ba si pareng Pablo? Sa mga hindi nakakaalam si pareng Pablo yung may akda ng classic bitter-bitteran poem na pinamagatang “Tonight I can Write.” Kung hindi mo parin alam kung ano yung tula na nabanggit ko kanina, mag google ka na, siguradong makakarelate ka.
Eto nga pala yung last line ng tula na “Tu Risa” ni pareng Pablo na makikita nyo sa LRT:
ipagkait mo na ang tinapay,
hangin, liwanag at tagsibol,
wag lamang ang iyong ngiti
pagkat ito’y aking ikasasawi.
Abridged version lang yung nasa tren, mas maganda kung babasahin nyo ng buo yang tula na yan. Kahit paulit-ulit ko na yang binabasa, di parin nawawala ang ngiti sa aking labi. Madalas ako nag wa-walk trip sa loob ng tren. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil palakad lakad ako sa loob. Masaya ako kapag yung tren na may berso sa metro yung nasasakyan ko.
Walang title.
Mahirap kapag di mo gusto ang isang bagay. Mahirap mag panggap na kaya mo kahit hirap na hirap ka na. Di ka na nga maka relate pero tuloy parin sa pag sakay sa trip nila. Go with the flow, one of the old circulating motto that still in practice up to now. Ewan ko ba kung bakit ganyan sila. Marami namang choice, kung gugustuhin mo, magagawa mo diba.
Pero, may mga bagay talaga na kahit gusto mo, di mo parin makukuha. You can’t always get what you want, naala ko pa nung una kong narinig yung kantang yan. Maraming nag flashback sa utak ko. Maraming gustong bumalik na alaala. Maraming bagay na sadyang hanggang ngayon ay parang bangungot na ayaw umalis sa isip ko. Tambayan. Tinambayan na nila. Kahit di na mag kasya, pinag pilitan parin nila.
Mabalik tayo sa topic. We all change in some point. Minsan di na natin namamalayan na malaki na pala pinag bago naten. Wala na tayong magawa kasi huli na nung malaman naten na nagbago na tayo. Pero, alam ko namang matalino kang tao. Alam mo kung ano ang tama sa mali. Kinder palang tinuturo na ang difference from good and bad. Common sense. Alam mo na rin siguro kung nakakabuti yang pag babago mo o hindi.
Pero, may mga bagay talaga na kahit gusto mo, di mo parin makukuha. You can’t always get what you want, naala ko pa nung una kong narinig yung kantang yan. Maraming nag flashback sa utak ko. Maraming gustong bumalik na alaala. Maraming bagay na sadyang hanggang ngayon ay parang bangungot na ayaw umalis sa isip ko. Tambayan. Tinambayan na nila. Kahit di na mag kasya, pinag pilitan parin nila.
Mabalik tayo sa topic. We all change in some point. Minsan di na natin namamalayan na malaki na pala pinag bago naten. Wala na tayong magawa kasi huli na nung malaman naten na nagbago na tayo. Pero, alam ko namang matalino kang tao. Alam mo kung ano ang tama sa mali. Kinder palang tinuturo na ang difference from good and bad. Common sense. Alam mo na rin siguro kung nakakabuti yang pag babago mo o hindi.
Tips para magkapera habang nag-aaral.
Be Mr. Do-it-All. Gamitin ang kasipagan para sa pera. Ikaw na ang gumawa ng mga homeworks ng mga tamad mong classmate. Isipin mo nalang na nakakatulong ka sa kanila (kahit hindi naman talaga). Good side: Ma hohone ang talent at pasensya mo. Bad side: Magiging tamad lalo ang mga classmate mo.
Talino. Kung sa tingin mo naman ay may talino kang taglay, bakit hindi mo subukang mag apply ng scholarship at ilihim mo ito sa iyong mga magulang? I-diretso mo nalang sa bulsa mo yung ibibigay na pang tuition sayo. Instant money, baby. Saka mo nalang sabihin sa parents mo kapag ubos na yung pera mo. Sigurado, magiging proud parin sila sayo.
Be an Entrepreneur. Di naman nakakahiya kung mag dadala ka ng paninda sa school, just make sure na hindi mo mas hihigitan ang tinda sa inyong canteen ha. Para saan pa ang pagkakaibigan kung hindi mo susubukan?
Printing. Uso sa college ang paper works. Anong silbi ng printer nyo sa bahay kung hindi mo siya pag kakakitaan? Ganito lang yan, mang hingi ka sa parents mo ng pangbili ng maraming ink. Tapos, kapag may mga research works, ikaw na ang mag prisinta sa mga classmate mo na mag print ng mga paper works nila. Di ka na gumastos, kumita ka pa.
Talent. Ikaw ba yung tipo ng estudyante na punong puno ng enthusiasm? Kung oo, para sa’yo ito. Gamitin mo yang talento mo sa pag sali sa lahat ng contest sa school mo. Instant fame din ito para sayo.
Marami pang iba, nasasayo na yun kung paano mo susulitin ang pag pasok mo sa school. Nasasayo na kung paano mo pag kakakitaan ang mga simpleng bagay sa paligid mo. Minsan may mga iba pang bagay na hindi mo napapansin na pwede na palang makapag bigay ng pera sa’yo.
Ngayon masasabi mo pa bang hindi mas masaya sa school? It’s a matter of how you will use the available resources. Pwede mo rin gamitin yang mga nakakainis mong classmates, kapag sobrang yamot mo na sakanila, pwede mo silang pagkakitaan. Chop chopin ang katawan at ipag benta sa daan. Instant money diba.
Lansangan ng Mendiola.
Tirik na tirik ang araw, mausok, nag kalat ang tao sa daan. Sigaw dito, sigaw duon. Ala una i-medya na ng dumating ako sa kanto ng Mendiola. Hindi na bago sa paningin ko yung mga ganung pangyayari. Minsan narin akong nag kasugat dahil sa nag kalat na barbed wire sa daan, sa kaka-iwas ko na masabit ang bag ko, ayun, kamay ko ang napuruhan. Hanggang ngayon hindi pa nawawala yung marka ng barbed wire sa aking braso. Naalala ko pa yung sandali na nasaktan ako dahil dun, “OUCH!” yan nalang ang bumulalas sa aking bibig nung nasabit ako. Halata parin ang kaartehan ko kahit nasasaktan na ko. Haha.
Balik sa kwento, bago ako dumiretso sa meeting namin kaninang hapon, nakinig muna ako sa mga hinaing ng mga taong nag rarally sa labas ng Mendiola Peace Arch. Yun kasi ang nagsisilbing harang para sa mga taong nag rarally sa labas ng Mendiola. Nakita ko na naman yung rebulto ng lalaking nakaluhod na pininturahan ng kung anu-ano ng mga rallyista. (Hanggang ngayon, hindi ko parin alam yung pangalan ng rebulto sa gitna ng Mendiola). Ilang ulit na kasing sinusulat sulatan yung rebulto na yun. Kawawa naman sya, wala naman syang kinalaman sa mga nangyayari pero madalas syang nadadamamay sa hinaing ng mga nag rarally.
Ang issue? Tinututulan ng mga rallyista yung bagong programa ng administrasyong Aquino tungkol sa edukasyon. Yung tinatawag na K12 Education System yung tinutulan nila. Sa pagkakaintindi ko, kapag napatupad ang sistema na yan, madagdagan ng dalawang taon ang basic education. Ayaw daw kasi nilang maipasa yung batas na ‘to kasi dagdag gastos lang daw para sa pamilyang Filipino. Lalo lang daw mahihirapan ang mga tao dahil dito.
Wala naman akong problema kung mapapatupad ang sistema na yan. Bulok naman kasi talaga ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Mas madaming magandang mangyayari kung mapapatupad ang sistema na yan. Saka sa totoo lang, tayo lang naman ata ang may ganitong sistema ng edukasyon. Kaso, baka kapag napatupad naman ang sistema na yan, baka mauwi lang sa wala at mag dulot pa ng mga bagong anomalya sa gobyerno ni Juan.
“This quality of education is reflected in the inadequate preparation of high school graduates for the world of work or entrepreneurship or higher education.” If ten years were adequate, how come employers do not hire fresh high school graduates? How come most high school graduates flunk the UPCAT?”
Kayo, sang ayon ba kayo na madagdagan ng dalawang taon ang basic education? Ako, wala akong pakialam kasi di naman na ako maapektuhan kahit maipatupad pa yang sistema na yan. Lels. Kidding aside, sang ayon ako na maipatupad na yan. Para rin naman sa ikakabuti ng nakakarami kung ipapatupad na yang sistema na yan.
I'm a proud young father
Tatay na ko. Nagulat ka ba? Isa akong batang ama, maagang lumandi kaya magaang nag ka anak. Pero, wala akong pinag sisihan, pag katapos ng sarap na aking nadama, ay puro hirap din ang aking inabot. Ganun siguro talaga, kailangan mo munang maramdaman ang pag hihirap bago masabing “Ah, dapat sinunod ko ang payo nila.”
Pero, syempre joke lang yung unang paragraph. :) Kakaibang paraan ko cinelebrate ang father’s day ngayong taon. Pumunta kami sa Manila Boystown na located sa Marikina para mag tanim ng mga halaman. Nung una, hindi na sana ako tutuloy dahil medyo may kalakasan ang ulan. Pag dating namin dun, medyo matagal kaming nag intay sa iba pa naming kasamahan.
Matagal tagal din ang pag iintay namin sa loob ng Boys town, maraming kabataan ang nandoon, mga batang namulat sa kahirapaan ng buhay. Mayroon ding mga lolo at lola na bakas na bakas sa kanilang mga mata ang kalungkutan. “Paano kaya kung isa ako sa mga batang andito ngayon?” Biglang pumasok sa isip ko na swerte parin pala ako sa buhay dahil kumpleto parin ang aking pamilya at kahit papaano ay nakakaraos kami sa pang araw-araw na gastusin.
Nung mag tatanim na kami ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Inalisan namin ng damo ang paligid at saka nag hukay ng tamang lalim para sa mga itatanim na halaman. Isa isa na naming nilipat yung mga pananim sa hukay. Pinangako ko sa sarili ko na mag sisilbi akong ama sa mga halaman na yon, babalikan ko sila at sisikaping alagaan sa abot ng aking makakaya.
Pero, syempre joke lang yung unang paragraph. :) Kakaibang paraan ko cinelebrate ang father’s day ngayong taon. Pumunta kami sa Manila Boystown na located sa Marikina para mag tanim ng mga halaman. Nung una, hindi na sana ako tutuloy dahil medyo may kalakasan ang ulan. Pag dating namin dun, medyo matagal kaming nag intay sa iba pa naming kasamahan.
Matagal tagal din ang pag iintay namin sa loob ng Boys town, maraming kabataan ang nandoon, mga batang namulat sa kahirapaan ng buhay. Mayroon ding mga lolo at lola na bakas na bakas sa kanilang mga mata ang kalungkutan. “Paano kaya kung isa ako sa mga batang andito ngayon?” Biglang pumasok sa isip ko na swerte parin pala ako sa buhay dahil kumpleto parin ang aking pamilya at kahit papaano ay nakakaraos kami sa pang araw-araw na gastusin.
Nung mag tatanim na kami ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Inalisan namin ng damo ang paligid at saka nag hukay ng tamang lalim para sa mga itatanim na halaman. Isa isa na naming nilipat yung mga pananim sa hukay. Pinangako ko sa sarili ko na mag sisilbi akong ama sa mga halaman na yon, babalikan ko sila at sisikaping alagaan sa abot ng aking makakaya.
Espanyol, Malapit sa ating Kultura, Just a Station Away
Naging bahagi ng pang araw-araw na buhay ko ang pagsakay sa Light Rail Transit. Maraming klaseng tao ang nakakasalamuha ko sa pag sakat ng tren. Hindi lang basta pang mahirap ang tren, marami rin kasi akong nakikitang may kaya sa buhay ang sumasakay dito. Iba’t ibang klase din ng estudyante ang makikita mo sa LRT.
May mga pa sweet – Sila yung mga taong laging nakadikit kay Sweetie at Babe. Madalas mo silang makikitang nakapwesto sa may bandang likuran ng tren. Mas masaya sila kapag punong puno ang tren. Time nila yun para makapagyakapan ng walang hanggan.
May mga pa nerd – Eto yung mga tipo ng tao na kahit nakatayo lang sa tren ay panay pa ang basa ng libro kahit pa sobrang ingay na sa loob. Minsan napapaisip ako kung may naabsorb ba sila sa binabasa nila dahil sa sobrang ingay. Kadalasan mo silang makikita na nakaupo sa sahig ng tren.
May mga emo – Eto yung mga klase ng tao na madalas mag isa lang sa tren. Makikita mo silang laging may earphone/headphone on full blast. Para bang sila lang yung tao sa tren sa sobrang lakas ng music. Party teh? Party? Kadalasan sila yung kinaiinisan ng mga matatanda.
May mga pa girl/boy next door – Sila yung mga tipo ng pasahero na kinaiinisan ko. Kasi naman, sila yung mga pasahero na ayaw tumabi kapag may mga papasok na pasahero. Di ko alam kung bakit gustong gusto nilang katabi yung pintuan kahit may nakalagay na “Don’t lean on train doors.” Sila yung madalas mangbangga ng kapwa pasahero para lang di sila maalis sa tabi ng pintuan.
May mga pa gentleman kuno – Eto yung mga lalaking ready na ibigay yung kanilang upuan kapag may nakitang magandang babae. Syempre may pinipili sila kung kanino lang nila ibibigay yung upuan, mas maganda, mas ayos. Pero kapag matanda na, chos, mamatay ka sa rayuma sa katatayo ang drama nila.
May mga kupal talaga – Sila yung mga lalaking kahit anong gawin mo, deadma lang. Madalas mo silang makikitang nakaupo. Kahit maganda ka o bata ka pa, di ka nila papansin at papaupuin. Madalas din silang nag tutulug tulugan sa biyahe. Didilat lang yang mga yan kapag lalabas na sila ng tren. Pero mas OK sila kesa dun sa mga pa gentleman kuno, kasi totoo silang tao at hindi na nila kailangang magkuwari pa gentleman sila.
Bakit nga ba si Rizal ang pambasang bayani at hindi sina Bonifacio o Aguinaldo?
Nung ipinadala ng America ang Pangalawang Comission sa Pilipinas na pinamumunuan ni William Howard Taft ay nag karuon sila ng kaisipan na kailangang magkaruon ng pambansang bayani ang Pilipinas.
Ano nga ba ang mga batayan para maging Pambansang Bayani ng Pilipinas?
Sinu-sino ang mga naging kandidato para maging Pambansang Bayani?
At bakit si Rizal at hindi ang apat na napabilang sa itaas? “The person must be a calm thinking person.” Ibig sabihin, kikilalanin ka lang na bayani kapag hindi ka gumamit ng sandata o armas sa iyong pakikibaka sa pag kamtan ng kalayaan. Laglag sa kategoryang iyan sina Antonio Luna at Emilio Jacinto dahil gumamit sila ng dahas upang makamit ang kanilang kagustuhan.
“The person must die in a dramatic way.” Dyan naman nawala ang pangalan nina del Pilar at Jaena. Kilalang repormista sina del Pilar, Jaena at Rizal. Lumaban sila sa mapanikil na pamamaraan ng mga Kastila gamit ang kanilang panulat. Ngunit paano nga ba namatay ang dalawa? Simple lang, namatay nalang sila na sumusuka ng dugo. Bakit? Dahil nga sa Europa sila naglagi upang mag sulat, kailangan nilang manigarilyo at uminom ng alak upang mapanatili ang init sa kanilang katawan. At ayun, dinapuan sila ng sakit na tuberculosis. (Sana nakipag sex nalang sila ng nakipag sex, mas mainit sa katawan yun. Chos.) At mula nuon, si Rizal na ang kinilalang Pambansang Bayani ng Pilipinas.
Ano nga ba ang mga batayan para maging Pambansang Bayani ng Pilipinas?
- Kailangan isa kang Pilipino;
- Kailangan ay patay ka na;
- The person must have solid sense of patriotism;
- The person must be a calm thinking person; at
- The person must die in a dramatic way.
Sinu-sino ang mga naging kandidato para maging Pambansang Bayani?
- Marcelo del Pilar
- Antonio Luna
- Graciano Lopez Jaena
- Emilio Jacinto
- Jose Rizal
At bakit si Rizal at hindi ang apat na napabilang sa itaas? “The person must be a calm thinking person.” Ibig sabihin, kikilalanin ka lang na bayani kapag hindi ka gumamit ng sandata o armas sa iyong pakikibaka sa pag kamtan ng kalayaan. Laglag sa kategoryang iyan sina Antonio Luna at Emilio Jacinto dahil gumamit sila ng dahas upang makamit ang kanilang kagustuhan.
“The person must die in a dramatic way.” Dyan naman nawala ang pangalan nina del Pilar at Jaena. Kilalang repormista sina del Pilar, Jaena at Rizal. Lumaban sila sa mapanikil na pamamaraan ng mga Kastila gamit ang kanilang panulat. Ngunit paano nga ba namatay ang dalawa? Simple lang, namatay nalang sila na sumusuka ng dugo. Bakit? Dahil nga sa Europa sila naglagi upang mag sulat, kailangan nilang manigarilyo at uminom ng alak upang mapanatili ang init sa kanilang katawan. At ayun, dinapuan sila ng sakit na tuberculosis. (Sana nakipag sex nalang sila ng nakipag sex, mas mainit sa katawan yun. Chos.) At mula nuon, si Rizal na ang kinilalang Pambansang Bayani ng Pilipinas.
Bungee Fun
“Hi! Tomorrow nalang tayo mag meet, can’t go outside the meeting room. Thanks”. 12 nn na nung nabasa ko yung text na yan gaing sa Adviser ko. Gumising ako ng 9 a.m. para lang ma prepare lahat ng kailgan para sa meeting sana namin ngayong araw. 11:30 pala siya nga text, nasa banyo na ako nun at naliligo.
Nahihiya na kasi ako umatend ng meeting na laging late kaya inagahan ko, pero ayun na nga, hindi pala tuloy.
Dahil nakabihis na ko, humingi ako ng pera sa nanay ko, sabi ko tuloy parin yung meeting. Imbes na sa Santolan Station ako dumiretso, sa SM Marikina nalang ako tumuloy. Nagpalipas ako ng ilang oras doon. Dumaan narin ako sa National Bookstore para bumili ng ilang gamit na kakailangan ko sa araw ng pasukan. Nagbasa narin ako ng libro sa loob. Halos tumagal ako ng isa’t kalahating oras sa bookstore na yun. Ang sama na nga ng tingin ng guardya sa akin, baka akala nya may kinukuha na ako sa loob ng bookstore dahil sa sobrang tagal ko dun. (Malapit ko ng matapos basahin yung The Secret, thanks to National Bookstore.)
Pupunta sana ako ng Starbucks, pero nung chineck ko yung wallet ko, nakalimutan ko palang dalin yung ATM card ko. Buti nalang hindi ako agad umorder, kung hindi, malamang paglilinisin nila ako dun dahil singkwenta pesos nalang yung natira sa tatlong daan ko dahil madami dami rin yung binili ko sa National Bookstore. Buti nalang talaga at chineck ko yung wallet ko.
Dahil alas tres palang, tumambay muna ako sa loob ng SM para hindi naman mahalata ng nanay ko na hindi talaga ako pumunta ng school. Umupo ako sa may ilalim ng puno (JSYK: May mga plastic na puno sa loob ng SM Marikina), yung malapit sa Bungee Fun. Pinagmasdan ko lang yung mga bata na sumasakay dun sa Bungee Fun. Magkahalong ingit at hiya ang naramdaman ko. Naingit ako kasi hinahayaan sila ng mga magulang nila na experience yung mga ganung bagay samantalang ako, never pinayagan sa mga ganyan.
Hiya, kasi takot ako sa heights. Nahihiya ako dun sa mga bata kasi, ang lalakas ng loob nila na sumakay sa mga ganun, samantalang ako, ni hindi makayuko sa ibaba kapag sumasakay sa escalator. Naalala ko nung isang beses na sumukay kami sa elevator ng kaibigan ko, eh glass pa naman yung buong elevator, yung makikita mo talaga yung nasa ibaba, wala akong ginawa kundi pumikit hanggang makarating kami dun sa floor na pupuntahan namin. At nung pauwi na kami, niyaya ko nalang yung kaibigan ko na gumamit ng hagdan.
Habang tinatype ko ‘to, saka ko lang naalala na OK lang pala na hindi na tuloy yung meeting namin, kasi mas nakilala ko yung sarili ko sa sandaling panahon na nakaupo ako sa ilalim ng puno. Lahat pala talaga ng bagay may dahilan. Nasa atin na yun kung paano bibigyan ng halaga at pang unawa ang lahat ng nangyayari sa ating buhay.
Subscribe to:
Posts (Atom)